top of page
Search

ni Lolet Abania | October 18, 2021



Nagbitiw si testing czar Vivencio “Vince” Dizon sa kanyang posisyon bilang presidente ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA).


Sa ginanap na deliberasyon sa Senado ngayong Lunes hinggil sa proposed P6.487-billion budget ng BCDA para sa 2022, tinanong ni Senador Sonny Angara kung nagbitiw na si Dizon sa kanyang posisyon.


Bilang tugon, kinumpirma ni BCDA executive vice president Aileen Zosa ang resignation ni Dizon kung saan epektibo ito noon pang Oktubre 15.


“The resignation letter of President Vince Dizon to the President has an effectivity date [of] October 15,” ani Zosa.


Tinanong din ni Angara kung tinanggap ba ang resignation ni Dizon o kung ito ay irrevocable, na pinatotohanan naman ni Zosa.


Gayunman, ayon kay Zosa si Dizon ay patuloy na magiging bahagi ng team ng national government sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic.


“This is correct. I think this is an irrevocable resignation but he will stay in the Cabinet for the anti-COVID efforts of the government,” sabi pa ni Zosa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Lunes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna mula sa Beijing, China kaninang 7:30 AM.


Samantala, sina Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez, Testing Czar Vince Dizon, at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page