ni Jasmin Joy Evangelista | January 16, 2022
Nag-aalok ng ilang libreng online course ang TESDA para sa dagdag na kaalaman sa COVID-19 prevention at management sa mga establisimyento.
Ayon kay TESDA Director Isidro Lapeña, maaaring i-access ang 10 libreng online course sa TESDA’s Online Program.
Kabilang sa mga kurso ang Contact-tracing Free Coursera Course; COVID-19 Awareness; COVID-19 General Duties; COVID-19: How to put on and remove personal protective equipment (PPE); Learning Online during COVID-19; Managing TVET during COVID-19; Standard precautions: Hand hygiene; Teaching Online During COVID-19; Health Effects of Climate Change; at Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace.
Ayon kay Lapeña, sa pamamagitan ng free online courses ay maiibsan ang pagkalat ng virus at magiging produktibo ang mamamayan sa gitna ng travel restrictions.
“As COVID-19 cases continue to rise, we are inviting everyone to enroll in our free online courses related to COVID-19 management not just to help prevent the spread of the virus but also to be productive amid travel restrictions,” aniya.
Para sa mga interesadong magrehistro, mag-enroll o tingnan ang listahan ng available courses, maaaring bisitahin ang website na www.e-tesda.gov.ph.