ni Gina Pleñago @News | August 20, 2023
Inilunsad kahapon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP) 2023-2028, ang national blueprint ng technical vocational education and training (TVET) sector na may temang "MaGaling at MakaBagong TVET para sa Bagong Pilipinas; TVET as a Pathway to
Recovery and Special-Economic Transformation".
Pinangunahan nina TESDA Sec, Suharto Mangudadatu, United States Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at DOLE Sec. Bienvenido Laguesma ang opisyal na paglulunsad ng development plan na ginanap sa Peninsula Hotel sa Makati City.
Nabuo ng TESDA ang NTESDP 2023-2028 sa pamamagitan ng konsultasyon sa iba't ibang stakeholders bilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 7796 at sa suporta ng United States Agency for International Development (USAID).
Sa patnubay ng AmBisyon Natin 2040,ang 8-point economic agenda, Philippine Development Plan (PDP), at ng Labor Employment Plan, sumailalim ang NTESDP 2023-2028 sa mga komprehensibong pagpaplano sa nasyunal at mga erya maging ng mga konsultasyon sa maraming sektor.