top of page
Search

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | April 30, 2024




Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian

Inihain ng inyong lingkod ang National Education Council Act (Senate Bill No. 2017) para matugunan ang kawalan ng long-term vision o pangmatagalang plano sa edukasyon. 


Sa ating panukala, iminumungkahi natin na bumuo ng National Education Council (NEDCO) na lilikha ng national education agenda at paiigtingin ang ugnayan sa tatlong ahensya ng edukasyon sa bansa — ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). 


Patuloy kasi ang pagbabago ng mga skills at ang pangangailangan ng mga industriya kaya kailangan natin ng long-term vision para iisa lang ang ating direksyon pagdating sa pagpapatupad ng mga programa sa sektor ng edukasyon. 


Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa NEDCO na gawing institutionalized ang isang sistema ng koordinasyon sa buong bansa pagdating sa pagpaplano, pag-monitor, pagsusuri, at pagpapatupad ng national education agenda.


Layon nitong tiyakin na sumusunod sa isang estratehiya ang DepEd, CHED, at TESDA, at maiwasan ang mga posibleng overlap at kakulangan na magdudulot ng hindi magkakaugnay na mga polisiya, programa, at plano. 


Upang maiangat ang performance ng mga mag-aaral, kasama sa mga magiging mandato ng NEDCO ang pagpapatupad ng isang action agenda para matulungan ang bansa na magtagumpay sa edukasyon at magkaroon ng mataas na marka sa mga batayang tulad ng National Achievement Test, Programme for International Student Assessment, Education Index, Education for All Development Index, at iba pa. 


Mayroon naman nang nilikha noon na mga lupon, tulad ng National Coordinating Council for Education (NCCE) sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 273 s. 2000 at ng Presidential Task Force to Assess, Plan and Monitor the Entire Educational System sa ilalim ng EO No. 652 s. 2007 — pero marami sa mga layuning ito ang hindi natupad nang hatiin sa tatlong sektor ang buong sistema ng edukasyon o ang tinatawag na Trifocalization of Education System. 


Inirekomenda na ng 1991 Commission on Education (EDCOM) ang paghahati sa tatlong ahensya ng sistema ng edukasyon sa bansa. Ngunit inirekomenda rin ng 1991 EDCOM na magkaroon ng isang national council para matiyak ang ugnayan sa polisiya ng tatlong mga ahensya. 


Kadalasa’y hindi natin napupuna o kinikilala ang mga teknikal ngunit mahahalagang hakbang upang gawing mas epektibo ang paghahatid ng edukasyon sa mga kabataan, tulad nitong national council para sa edukasyon. 


Kaya naman bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, patuloy nating titiyakin na maipapatupad ang mga patakaran, programa, at polisiya na makakapagpabuti sa sistema ng edukasyon sa bansa.


Upang magtagumpay tayo rito, walang patid tayong makikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, sektor ng pagnenegosyo, akademya, at iba pang mga public at private stakeholders na may mahalagang papel sa sektor ng edukasyon.


 

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 2, 2023




Sa kabila na binabalak ng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high school na kumuha ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, ikinabahala ni Senador Win Gatchalian na mananatiling hamon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga kwalipikadong assessors.

Sa isinagawang pagdinig sa panukalang pondo ng TESDA para sa 2024, binigyang-diin ni Gatchalian ang balak ng Senado na maglaan ng P1.5 bilyon para sa assessment at certification ng 470,000 na mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng TVL track.

Matatandaang noong School Year 2020-2021, may 473,911 na graduate ng senior high school ang kumuha ng TVL track at 32,965 dito ang kumuha ng national certification.


Lumalabas na sa mga kumuha ng national certification, 31,993 o 97.1% ang pumasa, ngunit nananatili sa 6.8% ang overall certification rate para sa naturang school year.


Dati nang ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang gastos sa assessment ang nagiging balakid sa mga mag-aaral na kumuha ng TVL track.


“Kahit na may pondo tayo sa assessment, kulang naman tayo sa assessors. Kaya masasayang lang ‘yung pondo. Kung may 470,000 tayong mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng tech-voc at pagsisikapan nating maabot ang 10 is to 1 ratio, kakailanganin natin ng 47,000 assessors. Pero ang balak lang nating idagdag ay 11,000 lang,” sabi ni Gatchalian sa mga opisyal ng TESDA.

Batay sa TESDA Certification Office, lumalabas na meron lamang 7,551 accredited competency assessors sa buong bansa.


“Kailangang simulan natin ang proseso ng pagkuha ng mga assessor para sa 470,000 na mag-aaral sa senior high school. Naglaan na tayo ng pondo. Tungkulin na ng TESDA na kumuha ng assessors,” ani Gatchalian.


Ipinanukala ni TESDA Director General Suharto Mangudadatu na sanayin ang mga DepEd district supervisors bilang assessors. Ngunit ayon kay Gatchalian, masyado nang abala ang mga DepEd supervisors sa kasalukuyan nilang mga gawain.



 
 

by Info @Brand Zone | August 30, 2023




Pinagpatibay ng SM Supermalls ang kanilang pangako sa pagbibigay ng learning and upskilling opportunities sa mga Pilipino sa pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na ginanap sa SM Megamall Event Center noong Agosto 22.




Nagplano ang TESDA ng mga aktibidad na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa pagpapalakas ng socio-economic standing ng mga Pilipino, kabilang ang isang seminar tungkol sa labor education para sa mga magtatapos na mag-aaral at skills demonstration sa pagluluto, first aid para sa vehicular accidents, at smart farming.


Ang pagdiriwang ay alinsunod din sa Republic Act No. 7796 na nagdedeklara sa ika-25 ng Agosto bilang "National Technical-Vocational (Tech-Voc) Day," kaya ginanap rin sa event ang job linking, TVET enrollment, at product displays at trade fairs mula sa iba't ibang rehiyon sa buong bansa.




Ang mga proyekto ng SM at TESDA ay nagbibigay ng mga bagong hanapbuhay sa mga Pilipino. Kabilang dito ang pagpapalawak ng Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Program na tumulong sa mga magsasaka, at ang SM Asensong Pinoy Program na nagbigay ng enterprise-based National Certificate (NC) II certification training.


“At SM, we recognize the profound impact of TESDA on our country. Your unwavering dedication has equipped individuals with the tools they need to excel in various fields, and this has helped bring forth a positive influence to different communities across the country,” sabi ni SM Supermalls’ President Steven Tan.

















 
 
RECOMMENDED
bottom of page