ni Angela Fernando - Trainee @News | April 9, 2024
Nagpaplanong mag-invest ang Microsoft Corp (MSFT.O) ng higit sa P1-trilyon sa susunod na dalawang taon upang palakasin ang kanilang negosyo sa artificial intelligence (AI) sa Japan, ayon sa ulat ng Nikkei newspaper nitong Martes.
Mag-aanunsyo ng kanilang mga plano ang United States tech firm sa lalong madaling panahon kapag bumisita sa kanilang bansa ang Japanese Prime Minister na si Fumio Kishida, sabi ng Nikkei sa kanilang panayam kay Microsoft Pres. Brad Smith.
Hindi naman nagbigay nang agarang sagot ang Microsoft sa kahilingan ng pahayagang Reuters para sa kanilang komento.