ni Jasmin Joy Evangelista | March 13, 2022
Inilunsad ng GCash ang bago nitong feature na “buy now, pay later” kung saan pinapayagan ang mga Pilipino na bayaran ang mga ‘big-ticket items’ sa pamamagitan ng payment term na hanggang 24 ‘gives’ o installments.
Ang bagong feature na tinatawag na GGives ay papayagan ang mga qualified members na bayaran ang kanilang items na nagkakahalaga ng P30,000 ng hanggang 24 installments sa loob ng 12 buwan, ayon sa Ayala-led fintech.
"GCash's new lending features, such as as GGives and GLoan, are tailor-made for Filipinos'purchasing behaviors, such as installment pay or hulugan. This is because it allows them to have enough freedom to maximize their money while still getting to enjoy what they want and need," ayon kay GCash president and CEO Martha Sazon.
Sinabi rin ni Sazon na nag-o-offer ang feature na ito ng safe at effective credit services sa mga Pinoy na may patas at transparent na interest rates.
Ang mga kuwalipikadong users ay puwedeng mag-apply sa GGives at GLoan sa pamamagitan ng app, ayon sa GCash.