ni Angela Fernando @Technology | Nov. 15, 2024
Image: TikTok / Symphony AI
Inanunsyo ng TikTok kamakailan ang pandaigdigang paglalabas nila ng Symphony Creative Studios, isang generative AI video creation platform, na magagamit na ng lahat ng advertisers.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng TikTok na palakasin ang kanilang ad business.
Magugunitang mas maaga ngayong taon, sa TikTok World Product Summit, ipinakilala ng platform ang bagong creative content suite na tinatawag na "Symphony," na dinisenyo upang makatulong sa mga negosyo, creators, at agencies na makagawa ng mataas na kalidad at engaging na content na tumutugma sa kanilang brand.
Kasama sa suite ng Symphony ang Symphony Creative Studios, Symphony Assistant, Symphony Digital Avatars, at TikTok Ads Manager.