ni Madel Moratillo @News | October 3, 2023
May P900 milyong pondo ang nakapaloob sa 2023 General Appropriations Law para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit ng mga guro ngayong taon.
Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, dapat tumanggap ng P1,000 insentibo ang may 900K public school teachers.
Ayon kay Rillo, para sa 2024 may P912 milyon namang inilaan ang gobyerno.
Ang World Teachers’ Day ay isang international day na idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at ipinagdiriwang ito tuwing Oktubre 5.
Ito ay pagkilala sa mga guro at kanilang mahalagang papel sa development ng mga bata.
Kasabay nito, isinulong ni Rillo ang pagpasa ng panukala na layong itaas ng 36 percent ang starting pay ng public school teachers.
Sa ilalim nito ay tataas sa P36,619 (Salary Grade 15) ang entry-level monthly pay ng public school teachers mula sa kasalukuyang P27,000 (Salary Grade 11).
Nakasaad din sa panukala ang gawing fix sa P16,000 ang minimum monthly pay ng lahat ng non-teaching personnel ng DepEd.