top of page
Search

ni Lolet Abania | June 10, 2022



Nasa tinatayang 100 magsasaka at mga land reform advocates ang inaresto sa Concepcion, Tarlac nitong Huwebes, Hunyo 9.


Dinakip ang mga magsasaka at advocates na base sa isang police report ay dahil sa “malicious mischief and obstruction of justice.” Kabilang sa mga inaresto ay sina Felino Cunanan, 63-anyos; Chino Cunanan, 34-anyos; Abigail Bucad, 36-anyos; Sonny Dimarucut, 45-anyos; Sonny Magcalas, 58-anyos at Pia Montalban, 39-anyos; Alvin Dimarucut, 36-anyos, at iba pang residente at mga land reform supporters.


Ayon diumano sa mga imbestigator, ang mga residente ng Tarlac ay gumamit umano ng isang rotovator at dinemolish ang sugarcane plantation na pag-aari ng Agriculture Cooperative na matatagpuan sa Barangay Tinang bandang alas-9:00 ng umaga nitong Huwebes.


Sinubukan naman ng mga police officers ng Concepcion Municipal Police Station, Special Action Force, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac Police Provincial Office Intelligence Branch, Regional Mobile Force Battalion; gayundin ng Philippine Army 3rd Mechanized Infantry Battalion, Naval Intelligence and Security Group-Northern Luzon, na awatin o “pacify” ang mga magsasaka at advocates.


Subalit anila, ang mga ito umano ay naging, “unruly and tried to obstruct the law enforcers from performing their official duties.”


Ayon kay PRO3 Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay, habang ang mga law enforcers ay nagpapatupad ng mandatong nakaatang sa kanila, patuloy nilang masusing iimbestigahan ang insidente.


 
 

ni Lolet Abania | February 22, 2022



Pumanaw na si Tarlac 1st District Representative Carlos “Charlie” Cojuangco ngayong Martes ng umaga sa edad na 58, ayon sa kanyang asawang si China Jocson.


“It is with a heavy heart that we regret to inform you that my husband, Claudia and Jaime’s father, Carlos ‘Charlie’ Cojuangco, has passed away,” post sa Facebook page ni Jocson ngayong Martes.


“Details of the wake and interment to follow. Thank you for your thoughts and prayers through this difficult time -- China, Claudia and Jaime,” dagdag pa niyang mensahe.


Kinumpirma rin ni dating Pangasinan 5th District Representative Mark Cojuangco, ang pagpanaw ng congressman sa isang interview ngayong Martes, na aniya bandang alas-6:00 ng umaga, ang kanyang kapatid na si Charlie ay namatay na.


Si Rep. Cojuangco, anak ng yumaong businessman na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., ay ikinasal kay Jocson, isang dating GMA broadcast journalist, sa Tarlac noong Oktubre. Unang naging asawa ni Cojuangco ang aktres at TV host na si Rio Diaz na pumanaw naman noong 2004.


Tumakbo naman si Cojuangco na unopposed noong 2019 elections.


Noong Oktubre, naghain si Cojuangco ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection.


Hindi naman binanggit ng pamilya ni Cojuangco ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022



Magsasagawa ng nighttime vaccination ang Tarlac provincial government para sa mga empleyadong hindi makapagpabakuna kontra COVID-19 dahil sa schedule ng pasok sa trabaho.


Sa isang pahayag ngayong Biyernes, Feb. 11, sinabi ng provincial government na gaganapin ang pagbabakuna sa Maria Cristina Park sa harap ng provincial capitol tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 6 p.m. hanggang 9 p.m. Puwede ring magpaturok ng booster shots.


Layon ng “Resbakunight” na mahikayat ang mga hindi pa bakunado dahil sa job-related issues.


Nasa 920,594 Tarlac residents na ang fully vaccinated as of Thursday. Ito ay 61.2 percent ng 2020 population ng lalawigan na nasa 1,503,456.


Nasa 89,245 residents naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at naghihintay na lamang para sa 2nd dose.


Nitong Huwebes, nakapagtala ang Tarlac ng 46 new patients, 79 recoveries, at zero deaths. Ang aktibong kaso rito ay 359.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page