ni BRT @News | August 15, 2023
Napuno ng bayanihan ang simula ng Brigada Eskwela ng pamahalaang lungsod ng Taguig at mga stakeholder ng edukasyon sa mga paaralang nasa EMBO barangays.
Masigla naman ang pagtanggap kay Mayor Lani Cayetano ng mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon, mga principal, guro, estudyante, magulang at volunteer sa panimula ng programa.
Simula sa Makati Science High School, ang kick-off ceremony ng Brigada Eskwela ay naging matagumpay matapos magkaisa ang grupo ng mga boluntaryo, kabilang ang mga mula sa Taguig City Police Station, National Capital Region Police Office, Southern Police District, Bureau of Fire Protection, pati na rin mga kinatawan mula sa iba't ibang mga grupo at organisasyon sa mga barangay.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Taguig na susuportahan ang mga paaralan sa mga EMBO barangay sa kanilang pagbubukas ng school year.
Siya ay humiling sa mga opisyal at miyembro ng General Parents Teachers Association na magkaroon ng pang-unawa at pasensya habang nagaganap ang transisyon o ang proseso ng paglipat
Kasama rin sa kick-off ceremony si Dr. Cynthia Ayles, Taguig-Pateros School’s Division Superintendent. Ipinunto niya na ang Brigada Eskwela ay tutulong sa layunin ng DepEd na palakasin ang komunidad para sa mga estudyante nito at itanim ang pagmamahal sa bayan.