top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 17, 2023




Patuloy ang joint investigation ng Senate Committee on Energy at Committee on Public Services kaugnay sa malaking problema sa brownout sa iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod ng mababang uri ng pamamalakad ng electric cooperatives.


Kaugnay nito, ayon kay Senadora Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, ang pagpasok ng mga private players tulad ng More Electric and Power Corporation (More Power), ang susi para mapabuti ang power service at maiwasan na ang paulit-ulit na brownout.


Ayon sa mambabatas, sa loob lamang ng tatlong taon mula nang mabigyan ng legislative franchise ay nagawang maresolba ng kumpanya ang malaking problema sa brownout at mataas na singil sa kuryente sa Iloilo City.


Ayon naman kay More Power President and Chief Executive Officer Roel Castro, mula nang i-takeover ng kumpanya ang power supply sa Iloilo City mula sa Panay Electric Company (PECO) ay nakapag-invest na ng P1.5 bilyong halaga ng investments na nakatuon para sa modernisasyon ng power distribution facilities.


Bunsod ng modernisasyon, nabawasan ng 90% ang power interruptions, naiwasan ang overloading at illegal connections na nagresulta sa pagbaba ng system loss na ipinapasa sa mga consumer, ang response time sa consumer complaints ay agad ding natutugunan sa loob lamang ng 10 hanggang 15 minuto at bumaba ang singil sa kuryente.


 
 

ni Mai Ancheta | July 4, 2023




Humirit ng dagdag-singil sa pamasahe ang operators ng Metro Rail Transit-3 para sa mga commuters ng kanilang mga train.

Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary for Railways and MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, muling naghain ng petisyon ang operators ng MRT-3 para magtaas ng singil sa pamasahe.

Nauna nang naghain ng petisyon ang MRT-3 noong Enero subalit hindi inaksyonan dahil sa isyung teknikal.

Mula sa kasalukuyang P11 na boarding fee, nais ng MRT-3 na gawin itong P13.29, habang P1.21 naman sa distance fee kada kilometro mula sa pisong sinisingil sa kasalukuyan.

Huling nagtaas ng pamasahe ang MRT-3 noong 2015.

Matatandaang inaprubahan ang fare hike ng Light Rail Transits 1 at 2 na magsisimula sa Agosto 2, 2023.


Inaasahang ilalabas ng DOTr ang magiging desisyon sa petisyon ng MRT-3 sa loob ng dalawang buwan dahil isasailalim pa umano ito sa masusing konsultasyon at pag-aaral.


 
 
  • BULGAR
  • Jun 22, 2023

ni Mai Ancheta | June 22, 2023




Humirit ng dagdag-singil sa kuryente sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang 48 power distributors sa Luzon, kabilang na ang Meralco.


Nakapaloob ito sa hirit na rate adjustment o automatic cost adjustment ng 48 distribution utilities sa Luzon na regular adjustment ng mga utility kada tatlong taon.


Kapag natuloy, 22 centavos per kilowatt hour ang sisingilin sa mga power customer.


Ayon kay Joe Zalderiaga ng Meralco, mayroon silang mga dapat habulin na binayaran na nila gaya ng generation charge, transmission charge, system loss, subsidies, taxes at iba pa.


Sinabi naman ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, dadaan sa masusing pag-aaral ang kahilingan na tatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page