top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | August 1, 2023




Dahil sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, hihirit ng pisong dagdag sa pasahe ang mga tsuper ng pampasaherong jeep.


Dudulog ngayong Martes sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupong Pasang Masda para ipaalala ang hirit nilang pisong surcharge sa pasahe tuwing rush hour para makabawi sa non-stop oil price hike.


Ang pisong surcharge ay sisingilin lamang tuwing rush hour mula alas-5 ng madaling-araw hanggang alas-8 ng umaga, at tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.


Ayon kay Obet Martin ng Pasang Masda, malaking tulong ang pisong surcharge tuwing

rush hour upang makabawi naman sila kahit papaano sa apat na sunud-sunod na taas-presyo sa petrolyo.


Ngayong Martes, panibagong pasanin ang sasalubong sa mga motorista dahil sa mahigit tatlong pisong dagdag-presyo kada litro sa produktong petrolyo.



 
 

ni Gina Pleñago | July 23, 2023




Inaasahan na muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Linggo.


Para sa gasolina, tinatayang tataas mula P1.35 hanggang P1.65 ang kada litro.


Habang ang diesel naman ay inaasahang tataas mula P0.25 hanggang P.55 kada litro.


Sa kerosene naman, inaasahan na tataas mula P0.40 hanggang P0.60 kada litro.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 22, 2023




Nagkakaroon ng mahigpit na daloy ng trapiko matapos na magsagawa ng "caravan protest" ang grupo ng truckers sa Bonigavio Drive kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.


Nagsimula ang protesta, alas-7 ng umaga sa Anda Circle kung saan tinututulan ng mga truck company ang ipinatutupad na toll hike increase sa North Luzon Expressway.


Umabot sa 100 trak o dalawang kilometro ang haba ng isinagawang protesta malapit sa Manila North Harbour hanggang sa Anda Circle.


Balak din ng grupo na ibalagbag ang kanilang mga truck sa bukana ng NLEX upang ipakita ang kanilang pagtutol.


Nabatid sa Central Luzon Alliance of Concerned Truck Owners Organization (ACTOO) na naging epektibo ang toll hike noong Hunyo 15.


Umaabot umano sa P19 hanggang P100 ang ipinatutupad na taas- singil sa toll fee.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page