ni Mary Gutierrez Almirañez | March 27, 2021
Mandatoryo na ring isasailalim sa RT-PCR swab tests ang lahat ng pasyente at kasama nito sa ospital simula sa Lunes, ika-29 ng Marso, batay sa bagong guidelines na inilabas ng St. Luke's Medical Center (SLMC).
Anila, “This will help us ensure thorough screening of all people going inside our hospitals. At the same time, it serves as an added protection that gives further assurance that SLMC is a safe place for all.”
Sa ilalim ng bagong guidelines ay isang companion na lamang ang pinapayagang sumama at bumisita sa pasyenteng naka-admit sa ospital.
Kailangan din nitong magpakita ng negatibong resulta ng swab test na hindi hihigit sa tatlong araw. Kapag nagpositibo naman sa test ay kaagad itong dadalhin sa COVID operating rooms upang mabigyan ng paunang lunas at para hindi na makahawa.
“We request all to adhere to these guidelines temporarily set for the safety and protection of everyone. Be assured that we will inform the public when we are ready to implement the normal admission process again,” pahayag pa ng SLMC.
Ipinatupad ang bagong guidelines dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19, partikular na sa Metro Manila kung saan tinatayang 9,838 ang nadagdag na positibo kahapon.