ni Thea Janica Teh | November 16, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_6e8988150625493592be049cc7a492f9~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_6e8988150625493592be049cc7a492f9~mv2.jpg)
Niyanig ng Magnitude 6.4 na lindol ang Surigao del Sur ngayong Lunes nang umaga, ayon sa Phivolcs.
Ang lindol ay nangyari kaninang 6:37 ng umaga sa 11 kilometers northwest ng bayan ng San Agustin at may lalim na 58 kilometers.
Naramdaman ang Intensity V sa Bislig City habang Intensity III naman sa Gingoog City, Misamis Oriental. Naramdaman din ang lindol sa Cagayan de Oro City at Surigao City, Surigao del Norte sa Intensity II.
Intensity I naman ang naramdaman sa Alabel Sarangani, Koronadal, Tupi South Cotabatao, Kidapawan City, Palo Leyte at Borongan City. Inaasahan na magkakaroon pa ng aftershock sa Surigao del Sur.