top of page
Search

ni Lolet Abania | January 14, 2022



Inanunsiyo ng Supreme Court ngayong Biyernes na ang nakatakdang Bar examinations ay isasagawa na sa Pebrero, kung saan ilan sa kanilang examinees ay tinamaan ng COVID-19, habang ang iba ay naka-quarantine dahil sa sakit.


Gaganapin ang Bar exams sa Pebrero 4 at Pebrero 6, na dating nakaiskedyul ng Enero 23 hanggang Enero 25.


Batay sa isang email survey, ayon sa SC nasa 16.8 porsyento ng 8,546 examinees, alinman sa kanila ay positibo sa virus, kasama sa bahay na may COVID-19, o nasa quarantine dahil sa exposure nila rito.


“They are at risk of not being able to take the Bar Examinations if the original schedule... were to push through,” nakasaad sa anunsiyo.


“Also, given the current infection rate and quarantine situation of the Bar personnel, 16 out of 31 teams that will be deployed will be critically understaffed if the current schedule were maintained,” ayon pa rito.


Hinimok naman ng SC ang mga examinees na sumailalim na sa self-quarantine hanggang Enero 20.


Una nang pinaiksi ang Bar exams ng 2 araw sa pangamba hinggil sa epekto ng Omicron variant ng COVID-19 at ang idinulot na hagupit ng Bagyong Odette.


Matatandaang noong nakaraang taon, inanunsiyo ng SC na ang Bar exams ay magiging digitalized, localized, at proctored na.


Gayundin, ang mga Bar examinees ay kukuha ng pagsusulit gamit ang kanilang sariling Wi-Fi-enabled laptops sa halip na ang traditional exams, kung saan required sa kanila na lahat ng sagot ay handwritten o sulat-kamay.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 6, 2022



Extended ang work suspension ng Court of Appeals hanggang bukas, Jan. 7 — upang magbigay-daan sa coronavirus testing at contact tracing.


Sa inilabas na Office Order, sinabi ni Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando na ang work suspension ay kinonsulta kay Chief Justice Alexander Gesmundo, at base sa latest update mula sa Medical and Dental Services (MDS).


“Numerous employees tested positive for COVID-19 and that testing and contact tracing efforts are still ongoing,” saad sa Office Order.


Samantala, extended din ang work suspension sa Supreme Court hanggang January 8 para sa ‘massive testing’.

 
 

ni Lolet Abania | October 15, 2021



Papayagan na ang lahat ng first at second level courts sa National Capital Region (NCR) na magsagawa ng in-court proceedings hinggil sa mga agarang kaso at iba pang isyu na kailangang idetermina ng hukom simula Oktubre 18, pahayag ng Supreme Court (SC).


Sa inilabas na circular nitong Huwebes, ayon kay Court Administrator Midas Marquez, dapat lamang na ang in-court attendance ay limitado sa mga abogado, parties, at mga saksi na kinakailangang dumalo rito.


“All others who are not required to be in-court, but wish to observe the proceedings may do so through videoconferencing, subject to existing guidelines,” paliwanag ng SC.


Ang mga korte at essential judicial offices sa rehiyon ay maaari namang mag-operate na nasa skeletal workforce na may maximum na 50% ng kapasidad nito.


Samantala, binawi na ng high court ang suspensyon ng oras ng pag-file at service ng pleadings at motions sa lahat ng first at second level courts sa buong bansa.


“Considering that electronic submissions and service may be resorted to,” sabi ni Marquez.


“The personal filing or service of pleadings and other court submissions shall be allowed for exigent matters and cases,” ani pa ni Marquez.


Ang mga pleadings, motions, at iba pang court submissions ay maaaring i-file o i-serve gamit ang registered mail, sa pamamagitan ng mga serbisyo ng duly accredited private couriers o kaya ay pagpapadala nito gamit ang electronic mail.


Ang Metro Manila ay isasailalim sa Alert Level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31, 2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page