ni Lolet Abania | April 5, 2022
Nakatakdang ilabas ang resulta ng 2020-2021 Bar examinations sa Abril 12, kapag naaprubahan na rin ito ng Court En Banc, ayon sa Supreme Court (SC) ngayong Martes.
“The 2020-21 Bar Examinations Committee Chairperson, Supreme Court Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, today asked the Court to hold a special En Banc session next Tuesday, April 12, 2022, for the purpose of considering his report on the first-ever digitalized and regionalized Bar examinations and the release of results,” pahayag ng SC sa isang press release.
Sinabi rin ng SC na ang oath-taking ng mga matagumpay na examinees ay isasagawa sa Mayo 2, 2022. “The venue, time, and other details of the oath-taking shall be announced later,” dagdag pa ng high court.
Matatandaan na matapos ang dalawang beses na postponement dahil sa pandemya ng COVID-19, ang Bar exams ay pinal na ring naisagawa noong Pebrero 4 at 6 ngayong taon. Ito rin ang unang pagkakataon na ang Bar exams ay ginanap sa multiple venues.
Pinaigsi naman ng dalawang araw sa halip na apat, at isinagawa ito digitally ng mga examinees na dala at gamit ang kanilang mga laptops habang nagda-download ng mga questions mula sa isang secured online application. Ang nasabi ring exam ang pinakamalaking batch ng mga Bar candidates na umabot sa 96.5% turnout.
Nitong Lunes, pinawi naman ni Leonen ang mga sinasabing “unverified stories” kaugnay sa exam results at pinayuhang “rest easy” na ang mga Bar takers.