ni Lolet Abania | January 24, 2022
Inanunsiyo ng Supreme Court ngayong Lunes na papayagan na ngayon ang mga Bar examinees na gamitin ang kanilang laptops para sa ilang tinatawag na last-minute studying o huling-minutong pag-aaral.
Sa isang bar bulletin, ipinahayag ni SC Associate Justice at Bar Exam chairperson Marvic Leonen na ang mga reviewers ay dapat na i-saved sa local folders at hindi ito dapat downloadable mula sa kanilang clouds.
“Once done with the security and health check, examinees may open their laptops to access their files for any last-minute studying,” sabi ni Leonen. “Examinees may also review their own files during lunch breaks,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay Leonen, hindi papayagan ang mga examinees na mag-share ng kanilang computer screens o files. Una nang ipinagbawal sa mga examinees na gamitin ang kanilang mga laptops maliban sa tinatawag na Examplify sa panahon ng test proper.
“Each examinee is responsible for the safekeeping of their laptops. The Supreme Court shall not be liable should they spill anything on their laptops or do any damage that might render the laptops unusable for the succeeding exams,” ani Leonen.
Sinabi rin ni Leonen na ang mga examinees ay hindi papayagan na mag-avail ng isang backup computer, sakaling ang kanilang laptops ay hindi magamit sanhi ng aksidente.
Aniya, lahat ng reviewers at iba pang law-related files ay dapat nang isara 30 minuto bago ang mga unang bell na mag-ring ng alas-7:30 ng umaga at alas-1:30 ng hapon.
“The policy against talking to other examinees still stands,” saad ni Leonen na sabi pa niya, ang 2-metro na distansiya mula sa isa’t isa ay mahigpit nilang ipatutupad.
Ayon pa kay Leonen, nananatiling ipinagbabawal sa mga examinees na kumonekta sa internet sa lahat ng oras maliban kung awtorisado gayundin, gumamit ng kanilang laptops para sa social media kapag nakapasok na sila sa loob ng testing centers.
Giit naman ni Leonen na ang cheating o pandaraya ay awtomatikong magreresulta sa disqualification ng examinee mula sa 2020/21 Bar Examinations at sa darating pang bar examinations.
“Any form of cheating will not be tolerated. Anyone who will be caught violating these rules will be automatically disqualified from the 2020/21 Bar Examinations and future bar examinations. No second chances will be given for any breach of the Honor Code,” pahayag ni Leonen.
“It is not only lawyering that requires integrity, living humanely requires it as well. Serve our people with honor and excellence,” sabi pa ni Leonen.