top of page
Search

ni Lolet Abania | February 23, 2022



Si retired Supreme Court Justice Rosmari Carandang ay itinalaga bilang chancellor ng Philippine Judicial Academy (PhilJA), pahayag ng judicial education ng korte.


Si Carandang, na pinalitan si retired SC Justice Arturo Brion, ay nanumpa sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa SC Session Hall na ginanap ngayong Miyerkules.


Siya ang ikalawang babae na humawak ng top post sa PhilJA kasunod ng yumaong dating SC magistrate na si Ameurfina Melencio Herrera.


Noong Enero 9 ay nagretiro si Carandang mula sa judiciary matapos ang halos 30-taon nitong pagseserbisyo.


 
 

ni Lolet Abania | February 23, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Commission on Elections (Comelec) Commissioner Antonio Kho bilang isang Associate Justice ng Supreme Court, ito ang kinumpirma ni tribunal spokesman Brian Keith Hosaka ngayong Miyerkules.


Si Kho, kabilang din sina Comelec chairman Sheriff Abas at Commissioners Rowena Guanzon, ay nagretiro noong Pebrero 2.


“I confirm that the Supreme Court through the Office of Chief Justice Alexander Gesmundo received this afternoon the appointment papers of former Comelec Commissioner Antonio Kho, Jr. as Associate Justice of the Supreme Court of the Philippines,” ani Hosaka sa isang mensahe sa mga reporters.


Si Kho ay in-appoint para palitan si dating Associate Justice Rosmari Carandang na nagretiro naman noong Enero matapos ang 27-taon nitong pagsisilbi sa SC.


Naging fraternity brother naman si Kho ni Pangulong Rodrigo sa San Beda College ng Law-based Lex Talionis fraternity. Bago pa magsilbi sa Comelec, si Kho ay undersecretary na sa Department of Justice (DOJ).


 
 

ni Lolet Abania | February 18, 2022



Pumanaw na si retired Supreme Court Associate Justice Minita Chico-Nazario, ayon sa High Court ngayong Biyernes.


“The Supreme Court and the entire Judiciary join the loved ones of the late Hon. Justice Minita V. Chico-Nazario in mourning her death," batay sa statement.


“We offer our sincere and deep condolences and prayers. Justice Nazario will always be remembered as one of those who broke barriers in the history of the Philippine Judiciary,” dagdag pang pahayag.


Si Nazario ang unang babae na naging Presiding Justice ng Pilipinas sa anti-graft court. Siya rin ang unang Sandiganbayan Presiding Justice na na-promote para sa top tribunal ng bansa.


Bilang Sandiganbayan Presiding Justice, nilagdaan ni Nazario ang isang health insurance contract para matiyak na mayroong mga hospitalization benefits ang mga empleyado ng korte.


Nilagdaan din ni Nazario ang katulad na contract na may health maintenance organization para makatulong sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Supreme Court Justices, opisyal, at empleyado nang siya ay makapasok dito. Matapos ang kanyang retirement, nagsilbi si Nazario bilang Dean ng College of Law ng University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City.


Bago pa magsilbi sa judiciary, si Nazario ay isang social secretary ng noo’y si Justice Secretary Juan Liwag mula 1962 hanggang 1963.


Nagsilbi rin siya bilang clerk sa City Fiscal’s Office sa Manila at Special Deputy Clerk of Court sa Court of First Instance sa Pasay. Isang tubong San Miguel, Bulacan, si Justice Nazario ay nagtapos ng law school sa University of the Philippines (UP) noong 1962.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page