ni Madel Moratillo @News | August 11, 2023
Dapat umanong mabigyang pagkakataon ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na maitama ang mga error, omissions at non-submissions sa Statements of assets, liabilities and net worth o SALN.
Ang pagbabago sa interpretasyon ng rules sa submission ng SALN ay nakapaloob sa bagong desisyon ng Korte Suprema patungkol sa kaso ni Jessie Javier Carlos, dating empleyado ng Department of Finance na nasibak matapos maakusahan ng pagtatago ng milyong halaga ng ari-arian at hindi pagdedeklara nang tama sa kanyang SALN.
Pero sa desisyon ng SC, sinabi na nagkamali ang Court of Appeals sa hatol na guilty noong 2016 kay Carlos sa kasong dishonesty.
Kasama sa pinababaliktad ng SC ang parusang dismissal sa serbisyo, kanselasyon ng eligibility, pagbawi sa retirement benefits at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng pwesto sa gobyerno.
Ito ay matapos mapatunayan ng SC na hindi nabigyan ng pagkakataon si Carlos na maitama ang mga pagkakamali at pagkukulang sa kanyang SALN. Sabi ng SC, sa ilalim ng probisyon ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees dapat tignan ng review and compliance committee kung nakapagsumite ng SALN nang tama sa oras, kumpleto ito at tama.
Kung hindi nai-file nang tama sa oras ang SALN, incomplete at may mali, dapat bigyan ng 5 araw ang opisyal o empleyado para maitama ang pagkakamali sa loob ng 30 araw.
Kung mabibigo, saka lang ito data patawan ng parusa.
Matatandaang si Carlos ang itinurong nagsunog at namaril sa Resorts World Hotel sa Pasay noong 2017 kung saan halos 40 ang nasawi.