ni Angela Fernando @Overseas News | June 13, 2024
Tinanggihan ng pinakamataas na hukuman ng Oklahoma kamakailan ang isang kaso ng huling dalawang nakaligtas sa masaker sa Tulsa nu'ng 1921.
Matatandaang sila ay humihingi ng reparasyon para sa karahasan at pagkawasak na nagresulta sa pagkamatay ng daan-daang black.
Pinagtibay ng Korte Suprema ng Oklahoma ang desisyon ng isang hukom nu'ng nakaraang taon na ibasura ang kaso, na nagsasabing hindi maaaring gamitin ang nuisance law ng estado upang tugunan ang patuloy na epekto ng hindi makatarungan at marahas na mga sandali ng kasaysayan.
Tinatayang umabot sa 300 katao, karamihan ay mga Itim, ang namatay nu'ng Mayo 31, 1921, nang salakayin ng isang malaking grupo ng mga puti ang Greenwood neighborhood ng Tulsa, isang maunlad na komunidad na tinaguriang "Black Wall Street."
Ang mga abogado nina Lessie Benningfield Randle, 109, at Viola Fletcher, 110, ay nangatwiran na ang lungsod ng Tulsa at iba pa, dulot ng masaker, ay nagdulot ng abala dahil sa pagkakaiba ng lahi, hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya, at trauma na kailangang maabot ng hustisya at maitama.