top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 25, 2023





Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya sa sunog sa isang bahay sa Barangay Masalukot 1, Candelaria, Quezon kaninang madaling-araw.


Kasama sa mga nasawi ang senior citizen na si Delia Cruz at ang kanyang limang apo na may mga gulang na 21, 18, 16, 10, at 9, base sa ulat ng BFP Candelaria.


Nagtamo naman ng mga sugat ang nanay ng mga bata na kinilalang si Vangie.


Patuloy na nag-iimbestiga ang BFP Candelaria ukol sa sunog.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 23, 2023





Sumiklab ang sunog sa ika-apat na palapag ng Pasig City Hall ngayong Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog ng alas-9:18 ng umaga at idineklara itong fire out alas-9:26 ng umaga.


Sa isang abiso ng pamahalaang lungsod, ipinahayag na itinigil ang lahat ng operasyon sa city hall dahil patuloy pa ring lumalabas ang usok mula sa gusali kahit na idineklara nang fire out.


"Ang mga non-essential personnel ay pinayuhan nang umuwi, at ang mga essential personnel para sa pag-manage ng insidente na lamang ang required na manatili sa city hall," saad dito.


Ipinag-utos ni Mayor Vico Sotto ito upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng city government workers.


Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang tinatayang pinsalang naidulot nito sa mga ari-arian.

 
 
  • BULGAR
  • Nov 10, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 10, 2023




Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa San Andres, Malate sa Maynila, Biyernes ng madaling-araw, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Nagsimula ng 5:36 ng madaling-araw ang sunog sa Arellano Street corner G. Tuazon Street sa Barangay 739, at umabot sa third alarm ng 6:15 ng umaga.


Sa ganap na 7:54 ng umaga, idineklarang naapula na ang sunog.


30 firetruck naman ang tumugon sa lugar, ayon sa BFP.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page