top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 22, 2024




Naapula na ng MIAA Rescue and Firefighting Division ang apoy na sumiklab ng 1:57 ng hapon ang sumiklab na apoy sa NAIA Terminal 3.


Tinutukoy naman sa kasalukuyan ang sakop ng pinsala at ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar, ayon sa MIAA.


Ayon sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa hangin at tuyong mga damo sa paligid ng parking area.


Samantala, hindi naman bababa sa 19 sasakyan sa parking area ng NAIA 3 nitong Lunes ang nadamay sa sunog.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 5, 2024




Nakapagtala ang lungsod ng General Santos ng hindi bababa sa 86 insidente ng sunog na mula sa damo o grass fires mula Enero hanggang Marso 2024, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ang pinakabagong insidente ng sunog ay nangyarI nu'ng Abril 3 na nagresulta sa aberya sa operasyon sa isang paliparan.


Pansamantalang nahinto ang operasyon ng runway sa General Santos City Airport matapos magkaroon ng sunog sa limang ektaryang damuhan sa loob ng compound ng paliparan.


Kinumpirma rin nilang nahirapan ang mga otoridad sa pag-apula ng apoy dahil sa lagay ng hangin.

 
 
  • BULGAR
  • Feb 23, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 23, 2024




Namatay ang isang 73-anyos na babae sa sunog noong Huwebes sa Batangas City, ayon sa ulat ng Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) ngayong Biyernes.


Sumiklab ang apoy alas-5:55 ng madaling-araw sa Barangay Calicanto at inanunsiyo na nasa ilalim na ng kontrol matapos ang 53 minuto.


Ayon sa ulat, natuklasan ng mga bumbero ang katawan ni Ludivina Espirito sa ikalawang palapag ng kanyang nasunog na bahay.


Ibinahagi ng mga imbestigador na isasailalim ang katawan ng biktima sa autopsy upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.


Sinabi ng mga residente sa lugar na nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ni Espirito at kumalat ito sa ibang bahay. Nagpapatuloy naman ang mga otoridad sa mas malalim na imbestigasyon.


Itinataya na nasa P500,000 ang pinsala mula sa sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page