top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Sulawesi Island, Indonesia ngayong Sabado, ayon sa United States Geological Survey (USGS).


Sa tala ng USGS, tumama ang episentro ng lindol sa 258 kilometers northeast ng Manado sa North Sulawesi at may lalim na 68 kilometers.


Samantala, kaagad namang nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas hinggil sa naturang lindol.


Saad pa ng PHIVOLCS, “No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021




Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa Sulawesi Island, Indonesia at mahigit 800 ang sugatan, ayon sa awtoridad.


Ayon kay National Disaster Mitigation Agency Spokesman Raditya Jati, 47 sa mga nasawi ang narekober mula sa Mamuju, capital ng West Sulawesi Province, at 9 naman ang natagpuan sa Majene.


Tumama ang lindol sa 36 kilometers south ng Mamuju noong Biyernes nang umaga at may lalim na 18.4 km, ayon sa tala ng U.S. Geological Survey. Tinatayang aabot sa 15,000 katao ang inilikas at 400 kabahayan ang gumuho.


Patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations sa mga gumuhong gusali, gayundin ang pamamahagi ng mga relief supplies katulad ng mga tents, ready-to-eat food packages, atbp..


 
 
RECOMMENDED
bottom of page