top of page
Search

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 8, 2023




PAKISTAN — Siyam na pulis at 16 katao ang sugatan matapos ang pag-atake ng suicide bomber sa Dhadar, Pakistan nitong Lunes.


Ayon kay Senior Police Official Abdul Hai Aamir, nakasakay ng motosiklo ang suicide bomber at sumalpok ito sa likod ng truck.


Sa ngayon, wala pang grupo na umaako sa naturang pagbomba pero sinisisi ng mga tao ang mga militanteng grupo at ang Baluch Separatists.


Naglabas din ng pahayag ang Punong Ministro Shehbaz Sharif. Aniya, ang terorismo sa Balochistan ay bahagi ng isang kasuklam-suklam na layunin upang i-destabilize ang bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 27, 2021



Labing-tatlong miyembro ng American troops ang nasawi sa suicide bombings sa Kabul airport kamakailan habang 18 ang sugatan, ayon sa US Defense Department.


Saad ni Central Command Spokesman Captain Bill Urban, "A thirteenth US service member has died from his wounds suffered as a result of the attack on Abbey Gate.”


Kabilang sa mga nasawi at sugatan ay miyembro ng US Marines, ayon kay Marine Corps Spokesman Major Jim Stenger.


Saad naman ni Stenger, "We mourn the loss of these Marines and pray for their families.


"Our Marines will continue the mission, carrying on our Corps' legacy of always standing ready to meet the challenges of every extraordinary task our Nation requires.”


Samantala, hindi pa inilalabas ang detalye tungkol sa naganap na pag-atake sa Kabul airport ngunit pinaniniwalaang ang Afghanistan branch ng Islamic State jihadist group ang nasa likod nito.


Ang Afghanistan ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangunguna ng grupong Taliban at mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang airport upang mailikas ang mga nais umalis ng bansa.


Ayon kay Commander of the US Central Command General Kenneth McKenzie, kailangan nilang higpitan ang pagbabantay sa airport upang ma-examine muna ang mga evacuees at malaman kung mayroon silang sapat na mga dokumento katulad ng travel papers bago mailikas.


Saad pa ni McKenzie, "We have to check people before they get onto the airfield.


"We can't do that with standoff. You ultimately have to get very close to that person.”


 
 

ni Lolet Abania | July 20, 2021



Nasa 35 katao ang namatay habang marami ang sugatan matapos pasabugin ng isang suicide bomber ang mataong palengke ng Sadr City, karatig ng Baghdad, Iraq, nitong Lunes nang gabi bago ang pagdiriwang ng Eid al-Adha.


Ayon sa mga awtoridad, mahigit sa 60 indibidwal ang malubhang nasugatan dahil sa insidente.


Inamin naman ng Islamic State na sila ang responsable sa pag-atake, batay sa Nasheer news agency sa isang telegram, kung saan pinasabog ng isa sa kanilang mga militants ang kanyang explosive vest sa karamihan na nasa pamilihan.


Base rin sa hospital sources, posibleng madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa insidente dahil ilan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon.


Agad namang nagpatawag ng pulong si Prime Minister Mustafa al-Kadhimi sa kanyang top security commanders upang resolbahin ang naganap na pag-atake.


Gayundin, nag-post si President Barham Salih sa kanyang Twitter account na nagsasabing: “With an awful crime they target civilians in Sadr City on the eve of Eid ... We will not rest before terrorism is cut off by its roots.”


Matatandaang noong Abril, ang Sunni Muslim militant group Islamic State ay umaming responsable sa pagsabog ng isang kotse sa isang palengke rin ng Sadr City, sa Shi’ite Muslim karatig ng Baghdad kung saan 4 katao ang nasawi at 20 ang sugatan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page