ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021
Idineklara ang state of emergency sa California matapos maitala ang matinding init dulot ng mataas na temperatura.
Naitala ang excessive heat warning sa Arizona at California, gayundin sa southern areas ng Nevada at Utah.
Inabisuhan din ng pamahalaan ang mga residente na manatili lamang sa air-conditioned areas dahil inaasahang mananatili sa 100-110F (37-43C) ang temperatura hanggang sa Linggo.
Samantala, epektibo ang naturang state of emergency hanggang sa Linggo, ayon kay Governor Gavin Newsom.