top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Pinalawig pa ang pagsasailalim sa state of emergency sa ilang lugar sa Japan hanggang sa katapusan ng Mayo dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.


Ayon kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura, umaasa ang pamahalaan na malalabanan ng bansa ang 4th wave ng COVID-19 infection ngunit patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso sa Tokyo at Osaka kaya napagdesisyunan ng awtoridad na mula sa May 11 ay ie-extend hanggang sa May 31 ang state of emergency.


Pahayag ni Nishimura, “Osaka particularly is in quite a dangerous situation with its medical system.


“We have a strong sense of danger that Tokyo could soon be turning into the same situation as Osaka.”


Ayon sa ulat, puno na rin umano ang mga hospital beds para sa mga critical patients sa Osaka.

Napagdesisyunan din ni Prime Minister Yoshihide Suga na isailalim sa state of emergency ang Aichi at Fukuoka prefecture kasama ng Tokyo at Osaka, Hyogo at Kyoto prefectures.


Samantala, sa pagpapalawig ng state of emergency, ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga alak o alcohol sa mga bars, restaurants, atbp. establisimyento at hanggang alas-8 lamang nang gabi maaaring magbukas ang mga ito. Ang mga lalabag sa naturang protocols ay pagmumultahin ng halagang 300,000 yen o $2,750.


Nananawagan din ang pamahalaan sa mga mamamayan na iwasan ang mga unnecessary na pagbiyahe.


Ang mga malls naman at movie theaters ay paiikliin lamang ang oras ng operasyon at hindi ipatitigil, ayon kay Nishimura.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 24, 2021



Idineklara ang state of emergency sa Japan noong Biyernes dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.


Pahayag ni Prime Minister Yoshihide Suga, “Today we decided to declare a state of emergency in Tokyo, Kyoto, Osaka and Hyogo prefectures.”


Ang naturang state of emergency ay epektibo sa April 25 hanggang May 11.


Ayon kay Minister for Virus Response Yasutoshi Nishimura ng naturang bansa, ang kasalukuyang restrictions ay hindi sapat upang malabanan ang COVID-19 pandemic.


Nanawagan din ang awtoridad sa mga bars at restaurants na itigil ang pagbebenta ng mga alak o pansamantalang ipasara ang mga naturang establisimyento gayundin ang ilang commercial facilities katulad ng mga malls.


Ipinag-utos din ni Tokyo Governor Yuriko Koike ang pagbabawal sa mga residente na uminom sa mga pampublikong lugar at ang maagang pagpapasara sa mga bar at restaurants.


Upang manatili ang mga residente sa loob ng kani-kanyang tahanan, saad ni Koike, “After 8:00 PM, we ask that bright signage on streets, neon signs and illumination be turned off.


“It will be dark at night, with only street lights on.”


Siniguro naman ng mga opisyal na hindi maaapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon sa Japan ang preparasyon para sa Olympic Games.


Saad pa ni Tokyo 2020 Chief Seiko Hashimoto, “We’re not thinking about cancellation. We’re thinking about how we can prepare in a way that prioritizes safety and makes people feel it can be held safely, and makes them want it to be held.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 18, 2021




Isinumite na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong ideklara ang national state of emergency dahil sa African swine fever (ASF) na naging dahilan ng pagkaunti ng mga baboy at pagtaas ng presyo nito.


Ayon kay DA Secretary William Dar, "(The) ASF is a severe and fatal disease of domestic and wild pigs that is currently decimating the local hog industry of the country.


The disease has already spread to 12 regions, 40 provinces, 466 cities and municipalities, and 2,425 barangays to date.”


Saad pa ng DA sa memorandum, “Over three million heads of pig have been lost due to the disease, causing a contraction in pork supply and an unprecedented increase in the price of basic agricultural commodities.”


Samantala, noong Miyerkules, nag-launch ang DA ng P15-billion lending program para sa mga commercial hog raisers na apektado ng ASF.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page