ni Mary Gutierrez Almirañez | February 10, 2021
Isinailalim sa state of calamity ang Bayambang, Pangasinan dahil sa pag-atake ng Harabas (armyworms) sa mahigit 1,500 ektaryang taniman ng sibuyas.
Gagamitin ng lokal na pamahalaan ang calamity fund upang matulungan ang 66 na barangay at ang 1,400 na mga magsasakang naapektuhan.
Taong 2016 noong unang naminsala ang armyworms sa nasabing lalawigan kung saan mahigit 500 ektarya ng sibuyasan ang naapektuhan.