top of page
Search

ni Lolet Abania | January 9, 2022



Umabot sa 15 oras ang sunog sa Starmall Alabang nitong Sabado, bago idineklara ng mga bumberong under control ang apoy, kung saan apat sa kanila at isang fire volunteer ang nasugatan, ayon sa mga awtoridad.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection ngayong Linggo, tinatayang nasa P100 milyong ari-arian ang napinsala sa sunog. Itinaas sa ika-5 alarma ang sunog ng alas-7:13 ng umaga habang na-upgrade pa ito sa Task Force Alpha ng alas-7:46 ng umaga.


Batay sa report ng mga fire investigators, nagsimula ang apoy mula sa lower ground level ng 4-story commercial building. Nasa 226 fire trucks at siyam na mga ambulansiya mula sa BFP at volunteers ang agad na rumesponde hanggang alas-5:05 ng hapon, kahapon.


Kinilala ang mga nasugatan sa sunog na sina Supt Crossib C. Cante (mild difficulty of breathing), SFO2 Joel Silin (bruises on both legs), FO2 Delfin Tanggana (bruises at left hand), FO2 Leonardo Oraye (light headedness), at ang fire volunteer na si Arthur San Benito (left thumb laceration).


Patuloy na inapula ng mga bumbero ang sunog hanggang sa idineklarang under control ito ng alas-7:03 ng gabi, kung saan inabot na ng 15-oras.


Wala pang inilalabas na official statement ang pamunuan ng Starmall Alabang hinggil sa naganap na insidente.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 8, 2022



Sumiklab ang sunog sa Starmall Alabang bandang 3:43 kaninang madaling araw.


Pagdating ng 7:13am, inakyat na sa panlimang alarma ang sunog.


Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma bandang 3:40 a.m., at ikalawang alarma bandang 4:03 a.m., ayon sa Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management.


Ang ikatlong alarma ay inanunsiyo bandang 4:49 a.m.


Bandang 7:00 a.m. ay patuloy pang inaapula ang apoy at itinaas na sa ikalimang alarma bandang 7:13 a.m.


Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.

 
 

ni Lolet Abania | June 2, 2021



Nasunog ang isang tindahan sa Starmall shopping center na matatagpuan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong ngayong Miyerkules nang umaga.


Sa natanggap na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy alas-6:42 ng umaga at itinaas ito sa unang alarma habang idineklarang fire out nang alas-6:50 ng umaga ngayong araw.


Ayon pa sa ulat, nagsimula ang sunog sa isang store na nasa parking lot ng mall kung saan ginawa na itong tiangge. Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi at pinagmulan ng sunog.


Sa ngayon, hinihintay pa ang pahayag ng pamunuan ng Starmall hinggil sa nasabing insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page