top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021



Isinailalim sa nationwide lockdown ang Sri Lanka noong Biyernes matapos lumobo ang kaso ng COVID-19 at napupuno na rin ang mga ospital, ayon sa awtoridad.


Pahayag ni Health Minister Keheliya Rambukwella, “Nationwide lockdown in effect from 10 PM today (20/08) to Monday (30/08).

“All essential services will function as normal. I sincerely request all citizens to adhere to the law and #StayHome.”


Ayon sa ulat, noong Miyerkules, umabot sa 3,793 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw lang at sa kabuuang bilang ay pumalo na sa 372,079 ang Coronavirus cases sa naturang bansa. Nakapagtala rin ang Sri Lanka ng 6,604 bilang ng mga pumanaw.


Nilinaw naman ni Rambukwella na hindi maaapektuhan ng lockdown ang vaccination drive sa Sri Lanka at aniya pa, “It remains the only way we can stem the #COVID19SL spread & protect the population whilst giving the hospitals a chance to recover. The best vaccine is the first vaccine. Don't delay.”


Samantala, sa ilalim ng lockdown, ipinagbabawal ang mga religious at social gatherings at ang operasyon ng mga restaurants, hotels, cinemas, at spas. Bawal ding magsagawa ng mga village fairs at sports festivals.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 30, 2021



Pinalawig ng Pilipinas ang travel restrictions sa mga biyahero mula sa sampung bansa hanggang sa Agosto 15 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant, ayon sa Malacañang.


Saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to extend the travel restrictions currently imposed to 10 countries until August 15. These countries include India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia and Thailand."


Samantala, inilabas na rin ng Malacañang ang listahan ng mga bansang ikinokonsidera bilang “green countries” o ang mga low-risk sa COVID-19 na binubuo ng: Albania, Antigua and Barbuda, Benin, Brunei, Cayman Islands, Comoros, Djibouti, Gabon, American Samoa, Australia, Bermuda, Bulgaria, Chad, Ivory Coast, Equatorial Guinea, Gambia, Anguilla, Azerbaijan, Bosnia and Herzegovina, Burkina Faso, China, Dominica, Falkland Islands, Ghana, Grenada, Kosovo, Marshall Islands, Montserrat, Niger, Northern Mariana Islands, Romania, Saint Pierre and Miquelon, Slovakia, Hong Kong, Laos, Federated States of Micronesia, New Caledonia, Nigeria, Palau, Saba, Singapore, Taiwan, Hungary, Mali, Moldova, New Zealand, North Macedonia, Poland, Saint Barthelemy, Sint Eustatius, at Togo.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2021



Pinalawig pa ng pamahalaan ang ipinatutupad na travel ban sa mga biyaherong manggagaling sa India, United Arab Emirates (UAE), Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh hanggang sa July 15 dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Ang Delta variant ay unang na-detect sa India.


Samantala, unang ipinatupad ang travel ban sa mga biyahero mula sa mga nabanggit na lugar noong Abril dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page