top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 12, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 100,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Russia noong Biyernes nang gabi.


Bandang alas-10:32 nang gabi lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 ang Qatar Airways flight QR 928 na may lulan ng naturang bakuna laban sa COVID-19.


Ito na ang 3rd batch ng Sputnik V vaccines na dumating sa bansa at sa kabuuan ay mayroon nang natanggap na 180,000 doses ng bakuna ang Pilipinas mula sa Gamaleya Institute.


Si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kasama si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang sumalubong sa pagdating ng Sputnik V vaccines.


Samantala, ayon sa National Task Force against COVID-19, dadalhin ang mga bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021



Inaasahang darating sa Pilipinas ang karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V ng Russia sa Mayo 30.


Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang mga naturang vaccine ay ide-deliver sa bansa via Qatar Airways flight na inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Linggo, bandang alas-11 nang gabi.


Ito na ang 3rd batch ng Sputnik V doses sa bansa na dinevelop ng Gamaleya Institute. Ang unang batch ng Sputnik na 15,000 doses ay dumating sa bansa noong Mayo 1 at ang sumunod na 15,000 naman ay dumating noong May 12.


Samantala, ayon sa NTF, mula sa NAIA ay dadalhin ang Sputnik V doses sa storage facility ng Pharmaserv Warehouse sa Marikina City.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 24, 2021



Inaasahang darating sa ika-21 ng Hunyo ang 300,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccines, batay sa kumpirmasyon ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ngayong araw, May 24.


Aniya, "June 21 is the target date of delivery for the first batch of Moderna vaccines. It will be 300,000 doses as a start. We will be getting more by July, August and September."


Matatandaang mahigit 20 million doses ng Moderna ang binili ng ‘Pinas sa America, kasama rito ang 7 million na binili ng private sectors. Ito ay nagtataglay ng 94% efficacy rate at puwede sa 18-anyos pataas.


Sa ngayon ay 8,279,050 doses ng COVID-19 vaccines na ang kabuuang bilang ng mga nai-deliver sa bansa, kabilang ang mga brand na Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page