top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021




Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Gamaleya Research Institute na inihatid ng Qatar Airways Flight QR928 nitong May 30 nang hating-gabi.


Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang dumating na bakuna ay kaagad dinala sa PharmaServ Warehouse sa Marikina City upang doon iimbak.


Sabi pa ng NTF sa kanilang Facebook post, “They will be deployed in centers of gravity or areas throughout the country that are experiencing surges in COVID-19 cases.”


Sa ngayon ay 80,000 doses ng Sputnik V na ang nai-deliver sa ‘Pinas. Kabilang dito ang tig-15,000 doses na naunang dumating noong May 1 at May 12.


Sinalubong naman nina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov ang pagdating ng bakuna sa NAIA.


"We have... decided to help the Filipino people and ... we are ready to deliver 20 million doses of Sputnik V according to the contracts that have been signed between the Russian Direct Investment Fund and the Government of the Philippines," giit pa ni Pavlov.


Kaugnay nito, inaasahan ding darating ang iba pang suplay ng bakuna, batay sa nakatakdang petsa ng mga sumusunod na brand:


• June 6: 1 million doses ng Sinovac

• June 7: 1.3 million doses ng Pfizer

• June 11: 900,000 doses ng Pfizer

• June 21: (walang specific doses) Moderna

• June (walang specific date at doses): AstraZeneca at Sputnik V


"Nakikita namin this coming June 7 and onward, mapapabilis tayo… Nakita natin ngayon we are very thankful na we have already reached 'yung 5 million doses administered. So meron tayong 5,120,023 vaccines that have already been administered," sabi pa ni Galvez.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021



Inaasahang darating sa Pilipinas ang karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V ng Russia sa Mayo 30.


Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang mga naturang vaccine ay ide-deliver sa bansa via Qatar Airways flight na inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Linggo, bandang alas-11 nang gabi.


Ito na ang 3rd batch ng Sputnik V doses sa bansa na dinevelop ng Gamaleya Institute. Ang unang batch ng Sputnik na 15,000 doses ay dumating sa bansa noong Mayo 1 at ang sumunod na 15,000 naman ay dumating noong May 12.


Samantala, ayon sa NTF, mula sa NAIA ay dadalhin ang Sputnik V doses sa storage facility ng Pharmaserv Warehouse sa Marikina City.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 13, 2021




Dumating na ang karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia pasado alas-9 kagabi, May 12.


Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, "Component 1 is the first dose, component 2 is the second dose. So we have for 15,000 people."


Matatandaang dumating ang initial 15,000 doses ng Sputnik V nu’ng ika-1 ng Mayo na ipinamahagi sa 5 bayan sa Metro Manila na nakaabot sa temperature requirement na hindi lalagpas sa -18°C storage facility.


Ang naturang bakuna nama’y nakalaan para sa mga 18-anyos pataas na kabilang sa priority list.


Sa pagtatapos ng Mayo, inaasahang mahigit 485,000 doses ng Sputnik V ang maide-deliver sa bansa, mula sa 10 million doses na in-order ng ‘Pinas sa Russia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page