HABANG lumalabis ang takot ng marami sa coronavirus outbreak, may mga contingency plans ang mga liga ngayon sa buong mundo at dahil dito nagpadala ang NBA ng memo sa teams upang abisuhan sila na magsagawa ng mga plano na maglaro nang walang fans o media sa gym or arena.
Ayon sa ESPN at Athletic, binigyan ng memo ang teams na magsagawa ng mga plano, anuman ang sitwasyon, “it were to become necessary to play a game with only essential staff present.” At dahil iisang staff na lamang ang naroon, ayon sa reports, ang fans at media members ay hindi rin pinapayagan na magpunta sa games.
Ayon sa Athletic’s Shams Charania, nagpadala rin ang NBA ng teams na magpapaalala hinggil sa ‘existing rules ng postponements at cancelations ng games.’
Unang inabisuhan ng NBA ang players nitong nakaraang Linggo na huwag hahawak o makikipagkamay sa fans dahil sa outbreak, sa halip ay inirerekomenda na lang ang fist bumps sa halip na high-fives at iwasang hawakan ang mga bagay na iniaabot sa kanila ng fans tulad ng pens at jerseys. “The health and safety of our employees, teams, players and fans is paramount,” ayon sa statement ng NBA.
“We are coordinating with our teams and consulting with the CDC and infectious disease specialists on the coronavirus and continue to monitor the situation closely.”
Ang Chinese Basketball Association ay suspendido mula pa noong Peb. 1 dahil sa kinatatakutang coronavirus outbreak na nagsimula sa China.
Ngayong araw na ito, hindi pinapayagang makapasok ang mga fans ng NCAA Division III men’s basketball tournament games sa Johns Hopkins University sa Baltimore at maging ang hosting ng esports competitions ay kanselado, postponed at limitado na lamang sa online-only games.
Nananatiling nasa bahay ang studio ng Big Ten Network sa halip na magpunta pa sa Indianapolis upang ikober ang conference tournament na magsisimula sa Miyerkules. Ang mga announcers at analysts ay planong manatili sa Bankers Life Fieldhouse para sa games.
Iniulat ng NBC News noong Biyernes na ang bilang ng mga namatay sa U.S. mula sa coronavirus ay umabot ng 14, karamihan na apektado ay sa Washington state. Mahigit sa 225 na kaso sa buong bansa ay kumpirmado na rin.
Sa buong mundo, mahigit na sa 100,000 katao ang impektado ng coronavirus, kung saan higit sa 3,400 ang namatay, karamihan ay pawang taga-China, ang epicenter ng outbreak.