ni GA @Sports | November 5, 2023
Mga laro sa Martes
(Philsports Arena)
2 n.h. – NXLed vs Choco Mucho
4 n.h. – Farm Fresh vs F2 Logistics
6 n.g. – Galeries vs Cignal
Parehong nagtala ng panalo ang mag-utol na PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers nang kapwa talunin ang mga katunggaling Quezon City Gerflor Defenders sa straight set 25-8, 25-9, 25-17 sa ikalawang laro at Farm Fresh Foxies sa 25-23, 23-25, 25-20, 25-17 sa unang laro ng triple-header matches kahapon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sobrang linaw ng koneksyon at serbisyo ang ipinakita ng PLDT High Speed Hitters upang itala ang kanilang ika-apat na sunod na panalo mula sa mahusay na pamumuno ni ace playmaker Rhea Dimaculangan nang mamahagi ito ng kabuuang 18 excellent sets kasama ang 3 puntos mula lahat sa service aces upang balanseng mabigyan ng puntos ang mga kakampi na pinangunahan ni Jules Samonte sa 10pts mula sa pitong atake at tatlong aces, habang parehong tala rin ang nairehistro ni Rachel Anne Austero sa 10pts, habang pansamantalang nagbigay-daan sa scoring si Filipino-Canadian Savannah Davision sa 9 puntos mula sa 7 atake at limang excellent receptions.
“Regardless naman kung sino yung kalaro, basta nako-control namin, para lang ma-manage yung minutes ng starters, alam naman nila 'yung sa training, alam namang kayang gawin at nagperform,” pahayag ni PLDT head coach Rald Ricafort.
Walang manlalarong umabot sa double-digit para sa Gerflor na pinagsosyohan sa tig-apat na puntos nina Danika Gendrauli, Jeanette Villareal at Mary Grace Berte.
Nagbunga ang paghihirap sa pagsasanay ni Ria Meneses upang maging isa sa sinandalan ng Cignal ng humambalos ang 6-foot-1 middle blocker ng 16 puntos mula sa 13 atake, 2 blocks at isang ace para madala sa 3-2 kartada ang Cignal.