top of page
Search

ni MC - @Sports | April 14, 2021




Todo paghahanda ang ginagawa ngayon ni dating eight Division world champion Manny Pacquiao kahit hindi pa nito isinisiwalat kung sino ang makasasagupa sa kanyang pagbabalik sa ring.


Naglabasan sa social media ang nilulutong laban nito kontra kay Terence Crawford sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi. Inamin ni coach trainer Nonoy Neri na sumasabak sa light training si Pacquiao sa loob ng kanyang mansion at sa wild card gym para paghandaan ang nalalapit na laban.


Ayon kay Neri, 147 lbs catch weight ang pinaghandaan ng Team Pacquiao habang nasa 50% na ang kondisyon nito. Unti-unti na umanong nililimitahan ang mga tao na makapasok sa kanilang training venue para matutukan ang ensayo ng fighting senator upang makaiwas sa coronavirus.


Wala rin umanong pagbabago sa coaching staff dahil si Buboy Fernandez pa rin ang mamamahala sa pagsasanay ni Pacquiao.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | April 13, 2021




Nakamit ni dating two-time Southeast Asian Games medalist Orencio James “OJ” De Los Santos ang kanyang ika-50th gold medals sa virtual kata-competitions nang sipain ang kampeonato sa Katana Intercontinental League #3 ngayong Abril.


Ito na rin ang ika-14 na gintong medalya ng 31-anyos na dating national team member ngayong taon sa Individual Kata-Male Seniors event kung saan tinalo niya sa elimination round sina Remi Bonneau ng France (22.0), Cornelius Johnsen ng Norway (23.82) at Alfredo Bustamante ng U.S. (24.12) para sa leading score na may 25.0 points.


Sa final round ay tinalo ng International Shotokan Karate Federation karateka na si De Los Santos ang mahigpit na karibal na si Domont Matias Moreno ng Karate-Do Biel-Bienne ng Switzerland sa 27.4-26.38.


I’m happy with not only the fact that I won my 14th Gold, but if I add the 36 from last year, this is already my 50th gold medal overall,” pahayag ni De Los Santos sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “This motivates me to join more tournaments and win as many gold medals as I can for this year. I also want to continue to keep the sport of karate alive, despite the trying times everyone is going through.”


Nasundan ito ng mga nagdaang panalo ng 8-time national games champion kasunod ng 2021 2ng leg ng Athlete’s E-Tournament, 2021 Kamikaze Karate E-Tournament, 2nd leg ng Budva Winner-Adria Cup, 2nd Leg ng E-Karate World Series, #2 Katana Intercontinental league Paris, 2nd leg ng Sportsdata e-tournament World series, Adidas US Karate Open E-Tournament noong isang buwan, habang nanalo rin ito ng gintong medalya sa Athlete’s E-Tournament Series #1, at Budva Winner-Aria Cup #1 eTournament, habang nakuha nito ang ang pinakamataas na puntos sa online-virtual competition sa 1st leg ng Katana International League.


Nakapagwagi na rin ng ginto ngayong taon ang multi-titlist na De La Salle University graduate sa E-Karate World Series 2021, 1st Inner Strength Martial Arts International eTournament at 2021 Sportsdata eTournament World Series #1 online competition.Noong isang taon ay kumana ito ng kabuuang 36 gold medals at makuha ang World No.1 sa e-kata male individual category.





 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 13, 2021




Lalong nagiging mahirap na kalaban ang Miami Heat habang tumatagal ang torneo ng NBA at binigo nila ang Portland Trail Blazers, 107-98, kahapon sa Moda Center. Umangat sa ika-limang pwesto na ang Heat ni Pinoy pride Coach Erik Spoelstra sa Eastern Conference sa kartadang 28-25 panalo-talo sabay pasok ng mga ibang resulta.

Nagsumite ng 22 puntos si Bam Adebayo at tinulungan ni Jimmy Butler na may 20 puntos kung saan umabot ng 20 ang lamang ng Miami sa fourth quarter, 93-73. Matatandaan na pumasok ang Heat na pang-lima sa 2020 Playoffs at isa-isang pinauwi ang mga kalaban sa East bago natalo sa Los Angeles Lakers sa NBA Finals.

Nagising ang Los Angeles Clippers sa 4th quarter upang maiwasang mapahiya sa pumalag na kulelet sa East Detroit Pistons, 131-124, at matala ang kanilang ika-5 sunod na panalo. Nanguna si Marcus Morris Sr. na may 33 puntos habang may 32 si Paul George upang takpan ang pagpahinga kay Kawhi Leonard.

Ibinaon ni DeMar DeRozan ang nagpapanalong 2 puntos na may isang segundong nalalabi upang itulak ang San Antonio Spurs kontra sa Dallas Mavericks, 119-117, at wakasan ang kanilang limang sunod-sunod na talo. Nararapat lang itong katapusan sa mahusay na laro ni DeRozan na nagtapos na may 33 puntos at sinundan ni Dejounte Murray na may 25 puntos.

Dominado ang unang tatlong quarter, nagpabaya ang Atlanta Hawks subalit nagising sa huling 7 minuto upang habulin ang 10 puntos at masugpo ang Charlotte Hornets, 105-101. Bumida sa 10 ng kanyang 17 puntos si Lou Williams sa 4th quarter upang tulangan sina Bogdan Bogdanovic na pumukol ng walong tres para sa 32 puntos at Clint Capela na may 20 puntos at 15 rebound.

Bumida sina RJ Barret, Alec Burks at Julius Randle huling limang minuto upang maagaw ang panalo sa Toronto Raptors, 102-96, at pumantay ang kartada sa 27-27. Ipinasok ni Randle ang walo sa 26 puntos sa 4th quarter at sinundan ni Barrett na may 19 habang isinumite ng Burks ang lahat ng 8 puntos sa 4th quarter.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page