top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 12, 2025



Photo File: Creamline vs Petro Gazz - PVL


Mga laro ngayon (Philsports Arena)

Game 3: Best-of-three, Battle for Third

2:30 n.h. – Akari vs Choco Mucho

Game 3: Best of three Finals: Winner-take-all

7:00 n.g. – Creamline vs Petro Gazz 


Isang laro na lang ang kailangan ng parehong defending champions Creamline Cool Smashers at mahigpit na karibal na Petro Gazz Angels upang matuldukan ang anim na buwang hatawan sa Game 3 na winner-take-all championship series, maging ang grudge match para sa bronze medal ng Choco Mucho Flying Titans at Akari Chargers sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena. 


Tatapusin ng CCS at Angels ang matinding sigalot na kapwa na umabot sa 5th set sa Game 1 at Game 2 sa main game, habang mas maagang bakbakan para sa 3rd place ang Flying Titans at Power Chargers. 


Hahanapin ng CCS ang ika-11 korona sa komperensiya, habang asam ng Angels ang kauna-unahang titulo sa AFC matapos makubra ang dalawang korona sa Reinforced Conference.


Hindi na bago para sa CCS ang tagpo na nakuha ang kauna-unahang makasaysayang Grand Slam season noong isang taon. “Siguro lesson din talaga sa amin ‘yung fifth set noong nakaraan. Kasi pinush namin eh na hanggang fifth set pero hindi namin nakuha,” pahayag ni Pons. 


Hawak ng CCS ang malalim na karanasan sa ilalim ni coach Sherwin Meneses. Hindi nagawang magpatinag ng team sa mga nakukuhang pagkakamali, laban sa delikadong Angels, higit na kay dating MVP Brooke Van Sickle. “Kapag nagkakamali kami, let go agad at focus kami sa next na gagawin namin. So sobrang nakatulong din sa team,” saad ng dating FEU Lady Tamaraws star at 2-time SEA Games bronze medalist.


Hindi naman patitinag ang Angels na dalawang beses tinatalo ang CCS ngayong season sa pangunguna ni Fil-Am Van Sickle katuwang sina 2-time Best Middle Blocker Mar Jan Phillips, 2-time league MVP Myla “Bagyong” Pablo, Jonah Sabete, playmakers Chie Saet at Djanel Cheng.

 
 

ni VA @Sports News | Mar. 24, 2025



Photo File: Nasa harapan ng bagong bahay ni double gold medalist Carlos Yulo sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, Nesthy Petecio, Aira Villegas at Fr. Eugenio Lopez bilang birthday gift sa kanya ng POC. (pocpix)


May property na sa Tagaytay City sina Paris Olympics double gold medalist gymnast Carlos Yulo maging si bronze medalist Aira Villegas.


Gayundin si Nesthy Petecio na bronze medalist boxer din sa Paris ay may ikalawang bahay sa siyudad na pinangasiwaan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. 


“They deserve these homes, they’re not only our Olympic heroes, all of them are national treasures,” ani Tolentino, kung saan ibinigay niya kahapon ang susi sa tatlong Olympic medalists sa Prime Peak Town House subdivision sa Barangay Silang Crossing West.


Napagkalooban si Yulo, ang double gold medalist sa men’s floor exercise at vault sa Paris ng two-storey home na may sukat na 500-square meter habang  kapitbahay niya si Villegas sa siyudad kung saan itinatayo rin ang unang  indoor at wood UCI-standard velodrome.


Ang house-and-lot ayon kay POC secretary-general Atty. Wharton Chan ay may halagang P15 million na belated birthday gift  din ng POC para kay Yulo noong  Peb. 16.


Ang bagong two-storey home ni Villegas ay may sukat na 200-meter pareho rin kay Petecio tulad din ng ipinagkaloob kina  medalists Hidilyn Diaz Naranjo, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa Barangay San Jose nang maka-silver sa Tokyo 2020 Games. “I’m very grateful and feeling blessed to receive this house-and-lot and I’m on thankful how the POC helped us in our Olympic preparations in Paris,” ani Yulo sa reporters sa kanilang house blessing ni Fr. Eugenio Lopez. 


“This is what we've been doing since I became POC president—to keep the athletes inspired to win more medals for our country,” ani Tolentino.  


Gagawing bakasyunan ni Villegas ang Tagaytay City kapag wala sa training sa Baguio City habang si Petecio ay maninirahan na rito.


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Feb. 22, 2025



Bugbog kay Joshua Pacio si Jarred Brooks sa ikatlong paghaharap nilang ito sa ONE C'ships 171 Qatar. Image: ONE Championships / Joshua 'The Passion' Pacio at Jarred 'The Monkey God' Brooks sa ONE 171



Naging matagumpay ang ginawang paghahanda ni 6-time mixed martial artists champion Joshua “Passion” Pacio laban sa mahigpit na karibal na si dating interim titlists Jarred “The Monkey God” Brooks ng Estados Unidos upang tapusin sa bisa ng 2nd-round technical knockout ang main event ng ONE 171: Qatar tungo sa pagbulsa ng undisputed ONE Strawweight title kahapon sa Lusail Sports Arena sa Doha, Qatar.


Tinapos ng pambato ng Lions Nation MMA ang bangis ng kanyang mga upak sa ikalawang round para tuldukan ang laban sa 4:22 matapos ang magkakasunod na banat upang tuluyang ipatigil ni referee Muhammad Sulaiman.


Subalit bago rito ay makailang beses natakasan ng 29-anyos mula La Trinidad, Benguet ang mga ilang serye ng mahihigpit na chokes at submissions kabilang ang D’Arce at guillotine choke.


I’m speechless, I’ve been through a lot this year, people doubted me, but I tell you never doubt the living God I served. I want to tell you how God has blessed me. I’ve been in the right people, the right team, Lions Nation MMA, to all the prayer warriors back home, thank you very much, my family my church. Qatar you are wonderful. The Filipino kababayans here, thank you very much. Bring me back here again!” bulalas ni Pacio matapos ang laban na lubusang pinasalamatan ang mga kababayang nanood sa mismong arena. 


That’s why I call it home away from home. Filipinos are very competitive all over the world, Filipino are there,” dagdag ni Pacio na nakatanggap ng $50,000 na gantimpala galing kay ONE CEO Chatri Sityodtong sa Fight of the Night.


Sa lahat ng mga delikadong sitwasyon ay puwersadong inilaban ni Pacio ang lahat ng pagkakataon upang mabaliktad ang laban mula pa lamang sa opening round, kung saan nagbigay ng maliwanag na tsansa sa mga Pinoy na tapusin si Brooks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page