top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 3, 2024



Photo: Reuters / Circulated


Ipinadadala ng Spain ang karagdagang 5,000 sundalo at 5,000 pulis sa Valencia matapos ang malalang pagbaha na pumatay ng mahigit 200 katao, ayon kay Punong Ministro Pedro Sánchez nitong Sabado.


Kabuuang 205 na bangkay ang narekober, na may 202 sa Valencia, dalawa sa Castilla La Mancha, at isa sa Andalusia, na itinuturing na pinakamatinding natural na sakuna sa kasaysayan ng Spain kamakailan.


Patuloy ang mga rescuer sa paghahanap ng mga bangkay sa mga sasakyan at gusali apat na araw matapos ang biglaang pagbaha. Hindi pa rin tiyak ang bilang ng mga nawawala.


Libu-libong boluntaryo ang tumutulong sa paglilinis ng makapal na putik na tumakip sa mga kalsada, bahay, at negosyo sa mga lubhang apektadong lugar.


Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 2,000 sundalo, 2,500 Civil Guard gendarmes na nakapagsagawa ng 4,500 rescues, at 1,800 na pambansang pulis na kasali sa mga emergency operations.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 9, 2020




Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na leon sa isang zoo sa Barcelona, Spain matapos isailalim sa RT-PCR test.


Tatlong 16-anyos na babaeng leon ang mga ito na kinilalang sina Zala, Nima at Run Run at isang 4-anyos na lalaking leon na si Kiumbe.


Ayon sa mga beterinaryong tumingin sa mga leon, nakitaan umano ang apat ng ilang sintomas kaya naman agad silang isinailalim sa COVID-19 test tulad kung paano sumasailalim sa test ang mga tao.


Napag-alaman ding dalawa sa staff ng zoo ang nagpositibo rin sa COVID-19 matapos ang outbreak noong nakaraang buwan.


Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang Veterinary Service of Barcelona sa Bronx Zoo sa New York na nakapagtala rin ng 3 leon at 4 na tigre na nagpositibo sa virus noong Abril pero gumaling din naman.


"The lions were given veterinary care for their mild clinical condition - similar to a very mild flu condition - through anti-inflammatory treatment and close monitoring and the animals responded well," bahagi ng Barcelona Zoo.


Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung paano nakuha ng apat na leon ang COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page