top of page
Search

ni VA - @Sports | May 14, 2022



Naiuwi ni Caloy Yulo ang gold medal sa men’s all-around event ng gymnastics sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kagabi.


Nasungkit ni Yulo ang gold medal matapos umiskor ng 85.150 overall, ginapi ang apat na Vietnamese bets para sa top slot.


Tumapos ang Pilipinas ng silver overall sa all-around team competition, kung saan gold medal ang Vietnam. Sumagupa si Yulo sa Quan Ngura Sports Palace laban sa 12 pang gymnasts mula sa 5 bansa, dalawa mula Malaysia, isa mula Indonesia at Thailand, 2 mula Singapore at 4 mula host Vietnam.


Susunod na babanat si Yulo, 22 sa pommel horse, rings, at floor exercise competitions ngayong Sabado, bago lalarga sa high bar, parallel bar at vault competitions sa Linggo.


Sa 2019 SEA Games sa Manila, umiskor si Yulo ng 84.900 para kunin ang all-around gold much na ikinatuwa ng crowd sa Rizal Memorial Coliseum. Nakuha nina Vietnam's Dinh Phuong Thanh (82.350) at Le Thahn Tung (81.700) ang silver at bronze ayon sa pagkakasunod.


Naniniwala si Cynthia Carrion-Norton, president ng Gymnastics Association of the Philippines, na makakakuha pa si Yulo ng 4 pang gold medals. “Everybody’s afraid and watching Caloy in training here,” aniya.


Buong pagpapakumbaba namang nasabi ni Yulo na, “I’ll just focus on my strength and what I can do in the competition.”

 
 

ni Thea Janica Teh | November 22, 2020




Umabot sa 10,957 ang naitala ng Department of Health (DOH) na gumaling sa Coronavirus disease ngayong linggo. Ito umano ay dahil sa pagpapatupad ng lingguhang “mass recovery” kaya naman, may kabuuan na itong 386,486.


Nakapagtala naman ng 1,968 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Linggo at may kabuuan nang 418,818. Nasa 24,209 na lamang ang aktibong may virus ngayong Linggo dahil nakapagtala rin ng 43 namatay ngayong araw na may kabuuan nang 8,123.


Sa mga naitalang bagong kaso ng COVID-19, 107 dito ay mula sa Cavite at ang lugar na ito ang nanguna ngayong araw. Sinundan naman ito ng Quezon City sa 97 bagong kaso, Davao City sa 86, Laguna sa 84 at Quezon Province sa 77.


Ayon sa Philippine Food and Drug Administration, inaasahan na makakukuha na ng COVID-19 vaccine sa second quarter ng taong 2021.


Kaya naman, sinabi ni Vice-President Leni Robredo sa pamahalaan na simulan na ang pagpili sa kung sino ang unang mabibigyan ng COVID-19 vaccine upang mas mapadali ang proseso ng pamamahagi nito.


Samantala, sa inilabas na datos sa worldometers.info, ang Pilipinas ang ikalawa sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia at pang-26 sa buong mundo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page