top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 16, 2024



Photo: Pres. Yoon Suk Yeol / korea.net


Susuriin ng Constitutional Court ng South Korea ang impeachment laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol ngayong Lunes kaugnay ng kanyang tangkang pagpapatupad ng martial law noong Disyembre 3, ayon sa isang tagapagsalita.


Lalahok ang lahat ng anim na hukom, at maaaring magpasya ang korte sa loob ng anim na buwan. Posibleng maharap sa insurrection charges si Yoon at ilang matataas na opisyal.


Plano ng mga imbestigador mula sa pulisya, defense ministry, at anti-corruption agency na kuwestyunin si Yoon sa Miyerkules, ayon sa ulat ng Yonhap.


Hindi naman agad makontak ang opisina ng mga imbestigador para sa kumpirmasyon.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 4, 2024



Photo: South Korean President Yoon Suk Yeol sa isang press briefing sa presidential office sa Seoul, South Korea. South Korea Unification Ministry via AP / South Korea Presidential Office


Nanawagan ang mga mambabatas ng South Korea (SK) nitong Miyerkules na magbitiw na sa pwesto si Pres. Yoon Suk Yeol o harapin ang impeachment matapos ang biglaang deklarasyon ng martial law na binawi rin ilang oras lamang ang nakalipas.


Ang nasabing insidente ay nagdulot ng matinding krisis sa politika ng ikaapat na pinakamalaking ekonomiya sa Asya.


Nagpasiklab ito ng tensyon sa pagitan ng pangulo at ng parliament, na agad na tumanggi sa kanyang pagtatangkang ipagbawal ang aktibidad sa pulitika at supilin ang malayang pamamahayag—nagdulot pa ito ng tensyon nang sapilitang pumasok ang mga armadong sundalo sa gusali ng National Assembly sa Seoul.


Ayon sa Democratic Party, anim na oposisyong partido sa South Korea ang nagkasundo na magsumite ng panukalang impeachment laban kay Yoon.


Nakatakda itong pagbotohan sa darating na Biyernes o Sabado.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 7, 2024



News Photo

Nilagdaan ng 'Pinas at South Korea (SK) ang isang kasunduan na nagsusulong ng feasibility study para sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).


Naging saksi sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Pangulong Yoon Suk Yeol ng SK sa pagpresenta ng mga nilagdaang kasunduan sa pagbisita nila sa Palasyo ng Malacañang.


Patuloy na umaasa si Marcos kaugnay sa BNPP na matatandaang isang proyekto nu'ng panahon ng administrasyon ng kanyang yumaong ama, si Ferdinand Marcos Sr., na ipinagpaliban nang mahigit tatlong dekada.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page