ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020
Naglayag ang American warship malapit sa disputed Paracel Islands sa South China Sea, ayon sa US Navy.
Ang naturang operasyon ng American warship ay isinagawa matapos magpaputok ng ballistic missiles ang China sa South China Sea.
Pahayag ng US Navy's Pacific Fleet, ang USS Mustin ay naglayag "in the vicinity of the Paracel Islands to ensure critical shipping lanes in the area remain free and open.”
Inakusahan ng Chinese military ang US sa diumano’y pagpasok nito sa “territorial waters” ng China nang walang “authorization.”