ni Mylene Alfonso | June 10, 2023
Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na mayroon siyang maipakikita sa publiko sa kanyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo 24.
Sinabi ni Marcos na ipakikita niya sa taumbayan ang update sa mga plano at mga proyekto na kanyang ipinangako sa kanyang SONA noong nakalipas na taon.
"Like any SONA, it will be a report to the nation as to what the situation has happened in the last year, in the last SONA, where we are now, what we have managed to do and where we still have work to do. That is essentially the template that we are going to use," wika ni Marcos.
"So, the things that I mentioned in the first SONA, we will have a look and see ano na ang nangyari doon sa mga pinag-usapan noong unang SONA. Sa palagay ko naman, mayroon naman tayong papakita and that's what the content of the SONA I think that will probably be," ayon pa sa Pangulo.
Matatandaang sa unang SONA ng Punong Ehekutibo, ipinangako niya ang food security, pabahay, agrikultura, imprastraktura, turismo at edukasyon at iba pa.
Nagbigay din ng mas malinaw na direksyon sa kanyang mga pangako sa kampanya ang kanyang talumpati na tumagal ng isang oras at 14 minuto.