top of page
Search

ni Lolet Abania | May 21, 2022



Asahan na ng mga manggagawa sa Regions IV-B at XII ng dagdag sa kanilang minimum wages matapos kumpirmahin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage orders ng kani-kanilang regional wage boards, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Sabado.


Sa isang statement, sinabi ng DOLE, sa ginanap na meeting nitong Biyernes, kinumpirma ng NWPC ang wage orders na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPBs) sa Mimaropa at SOCCSKSARGEN.


Para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento, nag-isyu ang RTWPB-IVB ng Wage Order No. RB-MIMAROPA-10, ang pagbibigay ng dagdag sa sahod na P35, na nasa kabuuang bagong minimum wage rate na P329 para sa mga establisimyento na mayroong mas mababa sa 10 workers habang P355 para sa establisimyentong may 10 o higit pang workers.


“Also, the Board issued Wage Order No. RB-MIMAROPA-DW-03 granting a monthly increase of P1,000, bringing the new monthly wage rate for domestic workers in the region to P4,500,” pahayag ng DOLE.


Para sa Region XII, kinumpirma rin ng NWPC ang RTWPB XII’s Wage Order No. RBXII-22, na nagga-grant ng P32 dagdag sa sahod na ibibigay ng dalawang tranches -- P16 base sa effectivity ng Wage Order at isa pang P16 sa Setyembre 1, 2022 – na nasa kabuuang bagong minimum wage rate sa Region XII na P368 para sa non-agriculture sector at P347 para sa agriculture/service/retail establishments.


Gayundin, kinumpirma ng NWPC ang order na inisyu ng RTWPB II para sa sahod ng mga domestic workers. Batay sa naturang wage order, nai-grant ang P1,000 monthly wage increase para sa mga domestic workers sa Region XII, kung saan may kabuuang monthly minimum wage rate na P5,000 mula sa P4,000 sa ilalim ng dating wage order. Ang mga nasabing wage orders ay magiging epektibo 15 araw matapos mailathala sa pahayagan.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 31, 2021




Natagpuang patay ang 71-anyos na si Porperio Sabate Pilapil matapos tangayin ng baha dahil sa paghagupit ng Bagyong Dante sa Davao del Sur.


Ayon sa ulat ng Malalag Municipal Police, pauwi sa bahay si Pilapil sakay ng bisikleta nang tangkain nitong suungin ang rumaragasang tubig-baha at sa sobrang lakas ng ragasa ay tinangay ito.


Samantala, 2 naman ang iniulat na nawawala sa Banga, South Cotabato.


Sa ngayon ay ekta-ektaryang palayan at fishpond na rin ang naapektuhan dahil sa Bagyong Dante.


Nananatili namang nakaalerto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lugar ng Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental na kasalukuyang tinatamaan ng bagyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page