ni Thea Janica Teh | November 4, 2020
Itinaas na sa Storm signal no. 1 ngayong Miyerkules ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil ayon sa PAGASA, unti-unti nang lumalapit ang bagyong Siony.
Sa inilabas na update ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, namataan ang bagyo sa 700 km east ng Basco, Batanes. Ito ay may maximum wind na 85 kph at may bugso ng hangin sa 105 kph.
Ito ang mga lugar na itinaas sa Storm signal no. 1: - northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) - eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl.)
Sa susunod na 12 oras, mananatiling mabagal ang bagyong Siony habang papunta sa west-northwestward ng Luzon Strait at Northern Luzon.
Kaya naman makararanas din ng malakas na pag-ulan ngayong Miyerkules ang Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at eastern portion ng Cagayan at Isabela.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa posibleng pagbaha at pag-landslide.