ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 26, 2021
Aprubado at inirerekomenda ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na gamitin ang COVID-19 vaccine ng China na Sinovac Biotech sa mga health workers, ayon sa Department of Health (DOH).
Noong Lunes, binigyan ng FDA ng emergency use authorization ang Sinovac ngunit hindi anila ito inirerekomenda para sa mga health workers dahil sa umano'y mababang efficacy rate nito na 50.4% dahil sa exposure nila sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization sa Sinovac vaccine ay isang katibayan na safe gamitin ang naturang bakuna.
Aniya, “The DOH, the Food and Drug Administration and our panel of experts concurred that current available evidence is enough to establish that the vaccine is safe for use.
“NITAG and the TAG (technical advisory group) has deemed it sufficient to recommend the use of the vaccine for health care workers as it bears to reiterate that our goal for prioritizing health care workers for vaccination is to reduce morbidity and mortality among their group, while they maintain the most critical essential health services.”
Saad naman ni Dr. Maria Consorcia Quizon, member ng NITAG, “[Sinovac] is safe for use for health care workers. We need to protect them. Since ito ang available ngayon, kailangan nating gamitin para sa kanila.”