ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021
Inaasahang darating ngayong linggo ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China na ihahatid ng Philippine Airlines flight PR359.
Sa kabuuan ay mahigit isang milyon na ang naunang dumating na Sinovac sa ‘Pinas na kaagad ding sinundan ng 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.
Sa ngayon ay Sinovac na lamang ang bakunang inaaloka sa bansa, kung saan pinayagan na rin itong iturok sa mga senior citizens matapos maubos ang suplay ng AstraZeneca.