top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 19, 2021



Iginiit ng Department of Health (DOH) na epektibo pa rin ang Sinovac ng China laban sa COVID-19 matapos maiulat ang 350 healthcare workers sa Indonesia na naturukan ng nasabing bakuna ngunit nagpositibo pa rin sa Coronavirus.


Pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, "Let's get the vaccine. Let us not be doubtful. Let's give that confidence.”


Saad pa ni Vergeire, "Hindi po natin maikakaila na may breakthrough infections... pero kailangan pa rin po natin ng kumpletong datos para ma-analyze nang maigi.”


Karamihan umano sa mga healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Indonesia ay asymptomatic at nagse-self-isolate sa bahay, ngunit ang ilan ay kinailangang i-admit sa ospital dahil sa mataas na lagnat at pagbaba ng oxygen-saturation levels, ayon kay Badai Ismoyo, head ng health office ng Kudus District sa Central Java.


Ayon naman kay Vergeire, kung 350 ang nagpositibo sa 5,000 health workers sa Indonesia, 7% lamang ito at masasabing epektibo pa rin ang Sinovac sa natitirang 93%.


Noong Enero nagsimulang magbakuna ang Indonesia sa mga healthcare workers na priority group at ayon sa Indonesian Medical Association (IDI), karamihan sa mga ito ay nakatanggap ng Sinovac COVID-19 vaccine mula sa China.


Ayon din naman sa public health experts sa Indonesia, bumaba ang bilang ng mga healthcare workers na namatay sa COVID-19 noong Enero hanggang Mayo ngunit nababahala sila sa pagtaas ng kaso sa Java.


Saad pa ni Dicky Budiman, epidemiologist ng Australia Griffith University, "The data shows they have the Delta variant (in Kudus) so it is no surprise that the breakthrough infection is higher than before, because, as we know, the majority of healthcare workers in Indonesia got Sinovac, and we still don’t know yet how effective it is in the real world against the Delta variant.”


Samantala, ayon kay Vergeire, hindi dapat mabahala ang mga Pilipino at wala pa umanong naitatalang kaso ng adverse events “which have direct causality with the vaccine."


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021



Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Huwebes nang umaga.


Lumapag ang Cebu Pacific 5J 671 flight lulan ang karagdagang doses ng Sinovac sa NAIA Terminal 2 bandang alas-7:23 nang umaga.


Samantala, sa 1.5 million doses na ito, kasama na ang 500,000 doses na binili ng private sector na Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI) at ang 1 million doses naman ay ang binili ng pamahalaan na ipamamahagi sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.


Sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., at DOH Sec. Francisco Duque III ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sa bansa.


 
 

ni Lolet Abania | June 14, 2021



Hindi pa naipapamahagi ng Department of Health (DOH) ang pinakabagong shipment ng Sinovac COVID-19 vaccine dahil hinihintay pa ng ahensiya ang pagsusumite ng isang certificate mula sa Chinese drugmaker.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nai-release ng Sinovac ang certificate of analysis para sa karagdagang 1 milyong doses na nai-deliver sa Pilipinas noong nakaraang linggo.


“We cannot distribute or transport these vaccines to specific recipients... kung hindi kumpleto ang dokumento namin,” ani Vergeire sa isang briefing.


Noong nakaraang buwan, naantala rin ang pamamahagi ng Sinovac doses sa mga vaccination sites dahil sa kakulangan ng pareho ring certificate.


Samantala, ayon kay Vergeire, ang pag-distribute ng 2.2. milyong Pfizer doses na na-deliver kamakailan sa bansa ay sisimulan na.


Aniya, batay na rin kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ang 40% ng bagong Pfizer shipment ay mapupunta sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal, kung saan ang COVID-19 infections ay napakataas, habang ang natitirang 60% ay ide-deploy sa ibang mga lugar na may mataas na bilang ng COVID-19 cases.


Sinabi rin ni Vergeire na ang lahat ng 2 milyong AstraZeneca doses na mag-e-expire sa katapusan ng Hunyo at Hulyo ay naipamahagi at na-administer na rin.


Mahigit sa 4.6 milyong indibidwal ang nabakunahan na hanggang nitong Hunyo 8, malayo pa rin sa target ng gobyerno na maturukan ng COVID-19 vaccines ang 50 milyon hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page