top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Lunes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna mula sa Beijing, China kaninang 7:30 AM.


Samantala, sina Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez, Testing Czar Vince Dizon, at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2021



Natanggap na ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang ikalawang dose ng Sinovac COVID-19 vaccine noong Biyernes.


Sa mga larawang inilabas ng Muntinlupa City Public Information Office (PIO), makikitang nasa loob ng sasakyan ang dating pangulo nang binakunahan siya sa De La Salle Santiago Zobel High School sa Ayala Alabang.


Samantala, si Barangay Ayala Alabang Councilor Dr. Lester Suntay ang nagbakuna kay ex-Pres. Ramos.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021



Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 2 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon sa ulat, 400,000 doses nito ay binili ng lokal na pamahalaan ng Maynila habang ang iba pa ay binili ng national government.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight na may lulan ng naturang bakuna kaninang alas-7:26 nang umaga.


Sina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., at Manila Mayor Isko Moreno ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac COVID-19 vaccines.


Samantala, ayon sa datos ng Department of Health (DOH), mahigit 8 million COVID-19 vaccine doses ang naipamahagi na at 2.6 million Pinoy na ang nakakumpleto ng bakuna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page