top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 17, 2021



Dumating na ang karagdagang 3.5 million doses ng Sinovac vaccine na binili ng Pilipinas.


Ang 3,530,400 vaccine doses ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 pasado alas-7:00 kaninang umaga.


Sa pagdating ng mga bakuna, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na nawa’y makatulong ito sa maagang pagbangon ng ekonomiya at social life sa bansa.


Binati nito ang pamahalaan ng Pilipinas dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.


Nagpasalamat naman si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa Chinese government para sa mga dumating na bakuna.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 25, 2021



Dumating nitong Linggo ng gabi ang karagdagang tatlong milyong dose ng Sinovac vaccine mula China.


Binili ng gobyerno ang dalawang milyon nito habang donasyon naman ng China ang isang milyon.


Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, pagpapakita ito ng pagkakaibigan ng China at Pilipinas.


"This demonstrates the kind of friendship from the Chinese government and Chinese people to the Philippine government and Philippine people. We are happy to see that the confirmed cases in this country is going down, is decreasing,” aniya.


Ayon naman kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr, malaking tulong ang patuloy na pagbibigay ng donasyon at pagdating ng mga bakunang binili mula China sa vaccination program ng pamahalaan.


Sa ngayon, umaabot na aniya sa 44.5 million doses ng Sinovac vaccines ang dumarating sa bansa.


“This is the 100th shipment of vaccines in the country and coincidentally it is also the Chinese donation along with the purchased vaccine. Remember that the first vaccine arrival in the country was also a donation from China. We would like to thank the Chinese government and also Sinovac,” ani Galvez.


Samantala, umaabot na umano sa mahigit walong libong menor de edad ang nabakunahan kontra COVID-19.


Sisimulan naman sa October 29 ang rollout sa mga LGU ng pagbabakuna ng mga bata.

 
 

ni Lolet Abania | September 13, 2021



Dumating na sa bansa ang 2 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno mula sa China ngayong Lunes.


Ang mga doses ng Sinovac vaccine na nagmula sa Beijing, China ay sakay ng Philippine Airlines flight, kung saan lumapag ang shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, pasado alas-7:00 ng umaga.


Sinalubong ito sa NAIA ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, habang tinanggap ng opisyal ang vaccine procurement ng Pilipinas sa China.


Mula sa NAIA, ang mga vaccine doses ay dadalhin naman sa isang cold storage facility.

Ayon kay Galvez, ang mga Sinovac vaccine doses na dumating ngayong araw ay nakatakdang ideliber sa Regions 4A, 3, 6, 11, 9 at sa may matataas na kaso ng COVID-19, pati na rin sa 151 highly urbanized na mga siyudad.


Sinabi pa ni Galvez na ang 2 milyong Sinovac doses na dumating sa bansa na nakaiskedyul na ideliber ng Setyembre ay bahagi ng 12-milyong doses na procured ng gobyerno. Habang ang 10 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine naman ay inaasahang dumating sa Oktubre.


Aniya, sa ngayon umabot na sa kabuuang 56.7 milyon ang COVID-19 vaccine doses na natanggap ng bansa.


Binanggit din ni Galvez na sa huling linggo ng Setyembre, makatatanggap naman ang bansa ng 5.5 milyon Pfizer COVID-19 vaccine doses mula sa COVAX facility.


Inaasahan din aniya, ang pagdating sa mga susunod na araw ng mga vaccines ng AstraZeneca at Moderna.


Sinabi naman ni Galvez sa taped address ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilabas nitong Sabado, na nakatakda nang simulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa general public sa susunod na buwan dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mahigit sa 61 milyon doses ng COVID-19 vaccines.


Samantala, patuloy ang negosasyon ngayong Lunes para sa tripartite agreements kasama ang national government at local government units sa pagkuha ng AstraZeneca vaccine doses.


Ayon sa opisyal, naghahanap na rin ang pamahalaan ng iba pang mga brands ng bakuna habang kinokonsidera nila ang gastos para rito at ang pagiging epektibo ng vaccine.


“Ang aming recommendation sa HTAC (Health Technology Assessment Council) ay lahat na bibilhin natin na mga vaccine dapat may WHO (World Health Organization) emergency use list para sigurado tayo na itong mga vaccines na ito ay kasama sa ating portfolio. Kasi ang ano natin, as much as possible, lahat ng gagawin natin sa portfolio sa 2022 ay may WHO emergency use list para sigurado tayo ‘yung mga vaccines kasama sa COVAX,” sabi ni Galvez.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page