ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 11, 2020
Dumating na sa Egypt ang first shipment ng COVID-19 vaccines mula sa China National Pharmaceutical Group (Sinopharm) noong Huwebes, ayon sa health official ng naturang bansa.
Ayon sa UAE health ministry, ang Sinopharm COVID-19 vaccine ay may 86% efficacy. Ito rin ang ginamit sa mahigit 1 milyong katao sa China sa kanilang emergency program.
Prayoridad sa Egypt na mabakunahan nang libre ang mga medical staff at ang mga may chronic diseases. Nangako rin ang Russia sa Egypt ng 25 million doses ng Sputnik V vaccine noong Setyembre.
Samantala, noong Miyerkules ay umabot na sa 119,702 ang coronavirus cases sa Egypt at 6,832 ang bilang ng mga nasawi at nagbabala rin ang pamahalaan sa banta ng second wave ng pandemic sa naturang bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.