ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa Sinopharm COVID-19 vaccine ng China, ayon kay Director General Dr. Eric Domingo.
Matapos umanong i-review at pag-aralang mabuti ng mga eksperto ng FDA ang aplikasyon ng Sinopharm, inaprubahan nila ito noong Lunes.
Samantala, noong Mayo, inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang emergency use ng Sinopharm COVID-19 vaccine. Ito ang kauna-unahang bakuna na gawang China na inaprubahan ng WHO.
Bukod sa Sinopharm, aprubado na rin ng WHO ang emergency use ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson, at AstraZeneca na gawang India at South Korea.