top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 23, 2024


Ilang Pinoy ang kasama sa 20 kataong nasa intensive care sa Bangkok, Thailand, matapos ang pagbagsak sa mataas na altitude ng isang flight ng Singapore Airlines na mula sa London, kung saan isang matandang pasahero ang nasawi at mahigit 100 katao ang sugatan.


Matatandaang nakaranas ang flight SQ321 ng matinding turbulence habang nasa himpapawid ng Myanmar na dapat ay pauwi na sa Singapore.


Tumilapon ang mga pasahero sa cabin na naging dahilan ng pagkakaroon ng dents sa kisame ng eroplano at mga head injuries sa maraming pasahero.


Ang eroplano, na may sakay na 211 pasahero at 18 crew, ay nag-emergency landing sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok.g mga kinatawan ng magkabilang panig ang desisyon ni Khan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 22, 2022



Sa pamamagitan ng vaccinated travel lane (VTL) program ng Singapore, papayagan nang bumiyahe ang mga Pinoy na fully vaccinated kontra COVID-19 patungo sa naturang bansa nang hindi na nagka-quarantine doon simula Marso 4.


Kailangan lang kumuha ng flight na pang-VTL at kumpletuhin ang requirements.


Maaari na ring bumiyahe sa Pilipinas ang mga bakunadong taga-Singapore nang hindi nagka-quarantine base sa nasabing programa, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.


"This was arranged by the Department of Foreign Affairs. We are hoping na ibang countries, ganoon na rin, para mutually beneficial na rin for the airlines," ani Puyat.


"At least pagpunta dito, zero quarantine, pagbalik nila, zero quarantine na," aniya pa.


Sa tala ng Department of Tourism, nasa 21,974 ang tourist arrival sa iba-ibang airport sa bansa sa unang 10 araw na nagbukas ang Pilipinas sa mga fully vaccinated na dayuhang turista kung saan 11,900 dito ang mga dayuhang turista habang 10,074 ang balikbayan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 12, 2021



Sisimulan na ng Singapore ang pagbibigay ng bakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11, ayon sa health ministry nito.


Nasa 87% na ng 5.5 milyon populasyon ang bakunado sa naturang Southeast Asian city-state.


Ayon sa Singapore health ministry, gagawin pa rin ang vaccination na may gabay ng mga magulang at may sapat na clearance para sa mga batang may dinaranas na sakit.


Ang dosage ng bakuna para sa mga batang edad 5 hanggang 11 ay one-third lamang ng ginagamit sa mga mas nakatatanda, tulad sa United States.


Sa ngayon ay Pfizer-BioNTech "Comirnaty" pa lamang ang bakunang aprubado para sa iturok aa mga bata sa Singapore.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page